Darkest Past 10

3.4K 74 10
                                    


Chapter 10: Enemy's Plan

"AAAHHHHHH...AYOKO NA!!!" malakas na sigaw ni Rex Zamora. Kasalukuyan siyang tumatakbo papasok sa loob ng Frost mansion. Samantalang nakaupo lang doon ang Queens, si Xia at si Kage.

Sa labas naman ay nagkagulo dahil sa kalokohan ni Zage. Napag katuwaan niya talaga na gawing dart board sina Alexander. Hindi rin nakaligtas ang ibang tauhan ni Alex na nakabantay sa lugar. Malakas at kaawa awang sigaw ang pinakawalan ni Zamora habang hinahabol siya ni Zage. Samantalang ang ibang tao doon ay mabilis na kumaripas ng takbo at nagsipag tago na.

"Help...me..." hinihingal na sambit ni Rex ng makarating siya sa living room ng Frost Mansion. Hindi siya pinansin ng mha tao doon na patuloy lang sa pagmemeryenda.

"Aha! Nandito ka lang pala Tito Rex..." nakangising sabi ni Zage. Si Rex naman ay mabilis na nagtago sa likod ng Queens.

"Ayoko na! Pagod na pagod na ako!"madramang sabi nito.

Naupo si Zage sa couch at hindi na pinansin ang hinahabol na lalaki. Tumabi siya sa kakambal at kumain.

"Hey, did you enjoy it?" tanong ni Kage sa kapatid.

Mabilis na sumimangot ang batang si Zage.

"Nope! Their boring. Di pa nga tinamaan nasigaw na agad. Mas masaya pa yung mga babies ko kasama." Balewalang sagot nito. Si Rex naman ay nanlaki ang mata sa narinig.

"What? Hindi ka pa nag enjoy sa lagay na iyon? Eh, halos mamatay na ako sa takot na baka tamaan ako!" bulalas ni Rex sa batang kumakain.

"That's the point. Hindi nga kayo tinamaan, it's because I'm distracted when your shouting. Saka boring kasi walang dugo at walang namatay."

Halos malaglag sa unuupuan si Rex dahil sa narinig. Iniisip niya na gusto ng batang si Zage na may mamatay sa larong ginagawa nito.

Grabe! Napakabrutal na bata!

Gusto pa na may dugo at may mamatay!

Napailing na lang si Kage sa narinig. Hinayaan niyang kumain ang kapatid na wala naman bakas ng pagod.

"Your laptop is beeping. I checked it and I saw the movements," mahinang bulong ni Kage kay Zage.

Nanlaki ang mata ni Zage at mabilis na kinuha ang laptop niya at nag tipa doon. Seryoso siyang nakatingin doon habang may pasak na pagkain ang bibig.

"Those people, hinahanap nila kung sino ang pumatay sa mga tauhan ng Akaname. They are here to find Takashi and to know where is he working," mahinang bulong si Zage sa kambal.

Nilingon ni Zage ang mga kasama busy ang mga ito na kumakain habang si Kage na nakapikit ay napadilat.

"Tell them that.." hindi natapos ninKage ang sasabihin ng biglang pumasok si Alex sa living room at tinawag si Rex.

"Zamora, let's go. May pag uusapan tayo!"

Mabilis tumayo ang lalaki at sumunod kay Alexander papasok sa opisina nito. Tiningnan ni Kage si Zage. Alam na nito ang gagawin.

Mula sa maliit na cctv cam ay nakikita at naririnig nilang dalawa ang pinag uisapan sa loob ng opisina.

"What is it?" tanong ni Rex pag upo nito.

"Trouble," sagot ni Lohan.

"I recieved a call from our men, that there are some people who wants to be in our mafia. Ang sabi nila kung hindi tayo makikiisa sa kanila, mapipilitan silang pabagsakin ang Frost Mafia," paliwanag ni Alex.

"So, anong isasagot mo?" tanong nan ni Dave.

Nakatingin lang si Alex sa kawalan at nakatulala. Ayaw niya na pinagbabantaan siya. Lalo na at siya ang bagong Mafia Boss. He's very sure that those people are not trusted. Alam niya na may binabalak ang mga ito kaya gustong makapasok sa iba't ibang mafia.

My Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon