Chapter Twenty Seven

4.8K 99 15
                                    

Paglabas ni Kairi ng kotse ay tumambad sa kanya ang isang malaking mansion. Napapalibutan ito ng matataas na pader. Sa labas naman ay matataas na puno. Parang Frost mansion. Nalungkot siya sa naisip pero hindi niya pinahalata.

Humarap sa kanya si Yael. "Welcome to your new home, Yana.." saka siya nito inakbayan. "Let's go inside!" iginiya siya nito papunta sa double door. Doon nakatayo ang mga nakahilerang kasambahay.

"Welcome home...Master and Empress!" sabay sabay na bati ng mga ito sabay yuko. Natigilan siya pero mabilis siyang nahila ni Yael. Pumasok sila sa mansion. Pinaupo siya nito sa couch. Itinaas ang paa niya sa mini couch doon.

"Anong gusto mo bunso? Say it! Alam kong gutom ka na!!" tanong nito sa kanya. Biglang nagliwanag ang mukha niya sa narinig. Without hesitation at nagsalita siya.

"I want japanese foods!" sagot niya sa kuya niya. Mabilis itong tumango saka sinenyasan ang kasambahay na nandoon at agad naman itong sumunod.

Habang naghihitay sa pagkain ay inilibot ni Kairi ang paningin. Hanggang sa tumapat ang paningin niya sa isang bagay na nakaukit sa dingding ng living room.

Isa iyong Crest. Ang crest na dati pa niyang nakita. Alam niyang napansin siya ni Yael na nakatitig doon kaya nagsalita ito.

"That was our crest. Ang crest ng pamilya. Iyan ang simbolo ng Ishida Clan." Ishida clan? Walang siyang alam doon pero tanda niya ang crest na iyon. Nasa library iyon ng bahay nila sa japan. Isa iyong nakaitim na babae, na may pulang mata, may suot itong gintong korona at may hawak na dalawang itim na samurai. Nakita kong may ganoon din na maliit na flag sa labas ng bahay namin noon. Hindi ko lang iyon pinapansin dahil wala pa akong alam sa ganoong mga bagay.

"Nakita ko na iyan dati sa bahay natin sa japan!" iyon ang lumabas sa bibig niya. Magsasalita pa sana siya ng dumating ang pagkain nila.

Kompleto iyon. Lahat ng paborito niya. Kuminang ang mata niya dahil sa dami ng pagkain. Mabilis siyang kumilos. Gumawa ng sauce para sa takoyaki at sushi niya. Napailing na lang si Yael. "Gawain mo pa rin iyan." saka siya tiningnan. Napangiti siya. Tatlo lang silang nakakalam noon. Ang secret sauce na paborito niya. Pang apat si Alex.

Matapos nilang kumain ay tahimik na naman si Yael. Kahit nagtataka ay nagtanong pa rin si Kairi.

"Is there any problem kuya?" tanong niya. Ngumiti ito saka umiling.

"Wala. Naisip ko na ito na siguro ang time para makilala mo ang pamilya natin." kumunot ang noo niya sa sinabi ng kuya niya. Makikilala na niya ang pamilya nila? Bigla siyang na excite.

Ngumiti siya ng malapad saka tumango. "Okay!"

Tumayo si Yael at tumabi sa kanya. May narinig siyang yabag na papalapit sa kanila. Bumukas ang pinto ng main door at pumasok doon isang lalaki. Ang lalaking kilala niya.

"Tapos na ang sushi party? Hindi nyo ako hinintay?" nakangusong tanong nito sa kanila. Hindi siya makapaniwala pero nagawa niyang magsalita.

"E-eros?"

Lumapit ito sa kanya at yumukod." Hi! I am Eros Ishida Storm. a.k.a Eros Ford. Your eldest brother!" pakilala nito sa kanya. Nanlaki ang mata ni Kairi sa narinig.

"Weh? Di nga?" di makapaniwalang tanong niya. Narinig niya ang malakas na tawa ni Yael.

"Wahahahahaha...Hindi siya naniniwala bro! Mas gwapo kasi ako sa iyo! Hahahahaha!" naiiyak na tawa pa nito habang inaasar si Eros. Napasimangot naman na lang ang baong dating.

"Shut up, idiot!" asik nito kay Yael. Bigla nalang itong huminto sa pagtawa at sinamaan ng tingin si Eros.

"Mas matanda ako sa iyo, kaya igalang mo ako!" paalala ni Yael sa kapatid.

My Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon