Darkest Past 15

2.9K 66 24
                                    

Chapter 15: Kiss



Author's Pov





Kinaumagahan, unang nagising si Kage, hindi siya makakilos dahil pakiramdam niya ay may nakadagan sa kanya. Nilingon niya ang kamang hinihigaan, nakita niya si Alexander na nakayap sa kanila ni Xia. Habang si Zage ay nakadapa naman sa dibdib nito. Napailing siya at hinayaan na lang sila sa ganoong posisyon.


Si Yana naman ay maaga ring nagising. Dahil naglock siya ng pinto kagabi ay hindi niya alam kung saan natulog si Alexander. Sinilip niya ang room ng mga anak. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng room nila at tumambad sa kanya ang loob noon at medyo napailing siya.


Nasa loob kasi, nandoon si Alexander at nakipagsiksikan sa tatlong anak. Nakayakap ito kay Xia at Kage. Habang si Zage naman ay nasa dibdib nito nakahiga. Kinuha ni Yana ang cellphone at kinuhaan sila ng picture. Ilang shots din ang ginawa niya bago siya dahan-dahan na lumabas.

Sa labas naman ay gising na rin ang ibang kasama nila. Kasalukuyan ng nakatunganga sila Rex habang ang Queens naman ay nag uumpisa ng gumawa ng breakfast nila.


"Goodmorning, guys," bati ni Yana sabay upo sa katabi upuan at humalumbaba sa lamesa.


"Mas maganda si Sam sa umaga," plain na sagot Rex habang nakatingin sa babae. Nilingon siya ni Sam at inirapan.


"Aga mong asar ah, Zamora." Pansin ni Yana sa lalaki.


"Anong maaga? Si Dave kaya ang nauna. Tingnan mo ang itsura," sabi nito saka inginuso ang lalaking namumula pa ang mukha.

Nakatingin ito ni Yana at muntik na siyang matawa. Namumula kasi ang mukha nito at may bakat pa ng kung ano sa mukha.


"Anyare sa mukha mo, Dave?" nagtatakang tanong ni Yana dito.

"Ganyan ang nangyayari sa mga lalaking manyak. Sinasampulan ng sapak," sagot ni Hera  sabay tingin ng masama sa lalaki. Napa face palm na lang si Yana dahil sa narinig.

"Eh, etong isa anong nangyari?" tanong niya at nilingon si Lohan na nakadukdok sa lamesa.



"Isa pa yan! Tropa ng mga manyak talaga!" singhal naman ni Jackie sa lalaki. Alam ni Yana na tahimik lang si Lohan kaya nagtataka siyang nilingon ito. Masama na kasi ang tingin nito sa babaeng maingay.



"Hindi kita minanyak! Lasing ka kagabi at nagmagandang loob lang ako na buhatin ka. Tapos ako pa ang may kasalanan." singhal naman ng lalaki na ikinapula ng mukha ni Jackie.


"Anong hindi minanyak? Then why did you...did you...did you..." pautal na sagot naman ng babae pero hindi niya naituloy dahil biglang sumabat si Lohan.


"Did I what? Kissed you? Ikaw ang humatak at humalik sa akin, not the other way around. Then you accussed me that I'm a maniac? Tsk!" paliwanag pa ni Lohan sabay irap kay Jackie. Mas lalong napa face palm si Yana.

Tsk! Deny pa more!

"In denial kasi kayo! Mga bitter!" bulong niya na narinig naman ng mga kasama. Binalingan niya si Ivy na tahimik at si Eros na panay ang ngisi sa isang tabi.


"Kayo may issue din?" taas kilay niyang tanong sa dalawa.

"Wala/None!" panabay na sagot ng mga ito. Nagkatinginan pa sila pero blanko ang mukha ng babae habang si Eros ay nakangisi.

"Ewan ko sa inyo!"


Tinalikuran niya ang mga ito at nilabas ang mga pagkain para sa mga anak. Nilatag niya ito sa lamesa at niluto sa portable stove na nandoon. Saktong pagtapos niya iluto ang pagkain ay siya namang labas ng mga anak kasunod si Alexander.


My Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon