Darkest Past 23

1.6K 55 22
                                    

Chapter 23/ War


Habang nagkakagulo sa Frost mansion, ang tatlong bata naman ay nasa gubat na sakop parin ng mansion.

Nakatayo silang tatlo at kaharap ang mga ninja na humabol sa kanila.

"Sumunod nga sila." nakangising sabi ni Zage habang nakatingin sa mga ninja.

"Mga uto-uto sila eh. Humabol ba naman sa atin. Akala yata nila kaya nila tayo." natatawang sabi naman ni Xia.

"Mga bata lang kayo. Hindi nyo nga kayang humawak ng katana eh." Komento ng isang ninja.

"Kami ang huling nyong makikita bago kayo mamatay." Nakangising sabat ng isa pang ninja.

"Sino ba ang may sabing kami ang makakalaban nyo? Bata pa kami para makipagpatayan no! How stupid!" bored na sabi naman ni Kage.

"Anong sabi mo?" inis na sabi ng isa pang ninja.

"Nasa likod nyo lang sila." Dagdag pa ni Kage. Lumingon sa likod ang mga Akaname ninja. At mula sa dilim ay unti-unting lumabas ang mga naka violet na ninja.

"Emperor's Ninja." Bulong ng isa sabay hakbang paatras.

Humigpit ang hawak ng mga ninja sa katana nila. Ang mga Emperor's Ninja ay mga Legendary Assassins na tanging sa emperor lang naglilingkod.

"Anong ginagawa ng Emperor's Ninja dito? Bakit kayo nandito? Wala kayong kinalaman sa laban namin." Sambit ng isang ninja habang umaatras.

"Utos ng Emperor, patayin lahat ng kalaban. Patayin ang Akaname." Sabay na sambit ng mga violet ninja na parang robot.

Nagtakbuhan paalis ang Akaname ninja pero hindi sila hinayaan ng mga nakaviolet na ninja.

Sumunod ang tatlong bata sa mga ito at nakita nila kung paano patayin ng mga ito ang kalaban.

"Akala yata nila tayo ang lalaban sa kanila. Bata lang kaya tayo." Nakangiwing sabi ni Zage sa dalawang kapatid.

Sa labas ng mansion ay pagod at sugatan na ang tauhan ng mafia. Humihingal na si Eros habang magkatalikuran sila ni Jin Hanabi. Ganun din sila Rex at Dave.

Sa loob naman ay may malala na ang tama ng Queens dahil lahat ng parating na atake kay Yana ay sinasangga nilang apat.

"Hindi ka makakapagtago, Empress. Parating na si Master Jiro. Sya ang tatapos sa buhay mo." Sabi ng isang ninja bago nawalan ng malay.

"Tsk! Ako na ang bahala. Magpahinga na kayo Queens." Utos ni Yana sa mga Kaibigan.

Habang nakikipaglaban si Alex kay Viper ay siya namang dating ni Jiro Akaname. May kasama siyang limang Ninja Assassins mula sa Akaname Clan.

"Sumuko kana, Frost. Wala na kayong laban." Nakangising sabi ni Viper kay Alex.

"That's not in my vocabulary, idiot!" sagot ni Alexander sabay baril kay Viper. Hindi nito naiwasan ang pagbaril na iyon kaya tinamaan ito sa noo. Ilang oras na silang naglalaban at duguan na rin si Alex. Kaya ng makakita siya ng pagkakataon ay sinamantala na niya ito.

"Stupid, Viper. Very weak!" Saad ni Jiro ng makita ang pag handusay ni Viper. "Now, Mr. Frost are you ready to die?" tanong nito kay Alex na napaluhod na dahil sa dami ng tama nito.

Hawak ni Jiro ang katana niya at handa na siyang gamitin ito para tapusin ang buhay ni Alexander.

"Say goodbye to your life, Alexander Frost."

Iwinasiwas ni Jiro ang katana niya papunta kay Alexander upang patayin ito pero may humarang ding katana dito.

Sa harap ni Alex nakatayo ang isang ninja. Naka black ito pero ang maskara niya ay kulay lila. Napaatras si Jiro ng bahagya at tsaka ngumisi.

My Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon