Chapter Twenty One

4K 98 8
                                    

Third Person's Pov

Mahigit isang oras na ng dumating si Kairi sa Black Mansion. Agad siyang sinalubong ni Knight. Ito ang unang nakakita sa kanya sa pagpasok sa loob ng mansion.

"Nasaan si Alex?" tanong agad ng babae ng makita ang lalaking palapit sa kanya.

"Nasa office niya. Halika, sasamahan kita." tumango lang siya saka sumunod sa lalaki. Namamangha siyang napatingin sa paligid. Ang black mansion ay katulad sa mansion na tinitirhan nila. Mas lamang lang ang mansion na ito dahil sa mas malaki ito. Ang loob noon ay halos itim at grey ang kulay. Napadaan sila sa Black Hall kung saan gaganapin ang meeting. Bawat dingding ay may crest ng Mafia Frost. Ang black snow na may gintong bungo sa gitna at may gun and scythe sa magkabilang mata. Nakailang liko sila sa pasilyo bago narating ang opisina.

Tatlong katok ang ginawa ni Knight bago binuksan ang pinto. Pumasok sila doon, kaya agad na napatingin sa kanila si Alex. Nagliwanag ng bahagya ang mukha nito ng makita ang asawa. Tumayo siya saka lumapit sa dalawa.

"You're here. I thought matatagalan ka?" agad na tanong niya saka umupo sa couch doon.

"I don't want to be late. Besides kailangan nating pag usapan ang tungkol sa members." sagot ng babae saka umupo sa tabi niya. Tumango lang ang lalaki saka inutusan si Knight na tawagin ang tatlo.

"Call the them, Knight. We have to discuss something before we start the meeting." agad itong lumakad palabas ng pinto.

Natahimik ang dalawa ng maiwan sila sa loob ng opisina. Wala na ang nakakatakot na aura ni Kairi. Iyon ang naisip ni Alex. Bumalik na ito sa normal na kilos niya. Alam niya na may mali sa asawa at sa mga kilos nito mula ng magkausap sila ni Ishida. Samantalang si Kairi naman ay tahimik din at malalim ang iniisip. Nasa isipan niya si Ishida at ang pagbabanta nito. Actually galing siya sa eskinita kung saan sila nagkausap noong nakaraan. Nagbabakasali siya na may malaman tungkol sa lalaki. Subalit, wala. Walang sino man ang nakakakilala dito.

Bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa nito ang apat na lalaki.

"Hi, guys." bati ni Kairi sa kanila. Bakas sa mukha ng apat ang gulat. Mukhang bumalik na ang babae sa normal. Iyon ang nasa isip nila.

"Yo! Kairi. Thanks God! You're back!" bulalas ni Hunter. Hindi na siya takot sa babae ngayon.

Samantalang si Blade naman ay tumango lang. Si Cross ay napangisi ng wala sa oras. "Yes! Akala namin hindi kana babalik sa dati eh!" wika niya.

Si Knight naman ay napangiti lang ng bahagya. Halata sa mukha niya ang tuwa ng malaman na bumalik na sa dati ang babae.

"So, ano ang pag uusapan natin?" napatingin sa wrist watch niya si Balde. "May ilang minuto pa tayo bago magsimula ang meeting." wika pa niya.

Nagtanguan lang sila saka tumayo si Kairi. Nilabas niya ang laptop saka pinakita sa mga kasama niya ang nasa screen.

"Kilala nyo sila diba?" nagtanguan ang limang lalaki. " Silang dalawa ang pag aralan nyo. Kasama sila sa lahat ng transaction na sinabotahe. Ang ibang transaction na hindi sila kasama ay maayos ang naging shipment ng package." agad nangunot ang noo ni Alex sa narinig.

"It means, they have something in their pocket na sila lang dalawa ang may alam. Pag dumating sila eye them." nagtanguan ang mga ito. Muli niyang inilipat ang nasa screen napalitan iyon ng isang babae.

"Pati sa isang ito. Eye her. May kakaiba sa kanya. Ang mga kilos niya at pagkatao niya. Walang complete background." pagkasabi noon ay nakita niya ang pagkunot sa noo ng apat. Kilala nila ang babae kaya hindi sila maaring magkamali. Napatingin si kay Kairi ngunit hindi nila nagawang sabihin ang nasa isipan nila.

My Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon