Chapter Fourteen

4.2K 142 5
                                    

After what happened noong isang araw, hindi na ulit ako pinayagan ni Alex na makalabas ng bahay. And like what he said. All my appointments in the embassy are move. He request to the embassy if they can visit in our house for the interview...and they all agreed..


Sino naman ang tatanggi sa isang Alex Frost na isang mafia boss di ba?


Kaya naman...eto ako ngayon dakilang team bahay.. Hindi ko na madalas makasama si Xia or even si Mr.CB. They both busy playing and they cannot ask me if I want to join them.

But, anyways.. I am happy na walang malubhang nasaktan noong isang araw ng may magtangkang kumuha sa akin..


Ang sabi ni Alex is yung poison mafia daw ang nagtatangka sa akin dahil sa pagkakaalam nila ay nasa akin pa rin yung package nila..But, hell..Ano naman ang gagawin ko sa package na iyon?

Nakahiga na ako ng may maramdaman na kakaiba sa paligid. Napabangon ako bigla ng may makita akong anino na dumaan sa may veranda. Tahimik akong naglakad palapit doon. Saka dahan dahan na sinilip kung sino ang lapastangan na pumasok sa mansion ng mga Frost.

Dahan dahan kong hinawi ang kurtina sa sliding door at saka sinilip kung may tao sa may labas. Sa isang sulok doon ay may isang anino. Tila hinihintay niya na lumabas ako upang magkaroon siya ng pagkakataon sa kung anu mang binabalak niya.


Hahawakan ko na sana ang sliding door ng may magsalita sa likod ko. "Don't open the door!" mahina ngunit puno ng awtoridad ang boses. Hindi ako lumingon. Naparalisa ang katawan ko dahil sa mainit na boses niya na tumatama sa batok ko. Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa batok.



Hinila niya ako palapit sa kanya saka isinara ng marahan ang kurtina. Napasandal tuloy ako sa dibdib niya. Sa ganoong posisyon ay ramdam ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso.


"Kung hindi ko naramdaman na may ibang tao sa mansion, malamang nakuha kana nila!" mahina pa rin ang boses niya na puno ng pag aalala. Nakakapanlambot. Tila nawalan ako ng lakas. Ako nga talaga ang pakay nila. Napahawak siya sa bewang ko na siyang mas lalong nagpahina sa akin. Tila may nagkakarerahan sa loob ng dibdib ko. Kinakabahan siguro ako dahil sa idea they after me. They want me...They want me dead or alive?


"Come here!" akay niya sa akin. Pinaupo niya ako sa kama. Ewan ko ba pero nakakailang ang sitwasyon namin. Nasa isang room kaming dalawa although mag asawa naman kami. But still I feel akward.



"Di ba there are a lot of guards here? Bakit may nakapasok? Paano siya nakapasok sa mahigpit na perimiter dito?" nagtatakang tanong ko. Alam ko kasi na walang sino man ang nakakaapak sa perimiter ng Frost mansion ng walang pahintulot. Sobrang higpit ng bantay sa paligid.


"I know. And that's the problem I face right now. Kakausapin ko mamaya ang head security." seryoso niyang wika habng nakatitig sa akin.


Kinunutan ko siya ng noo. "Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko na hindi masalubong ang kanyang titig.


"Nothing. Just stay here. Kakausapin ko lang ang security. Don't worry bullet proof ang sliding door kaya hindi yan basta basta mababasag." seryoso pa rin na wika niya. Alam ko naman yon. Pero..


"Nakaalis na ba siya? Baka nandyan pa kung sino man yon?" nag aalalang tanong ko.


"Wala na siya dyan. Kahit silipin mo pa. Basta don't open that door. And wag kang lalabas..babalik ako!" paalala niya sa akin. Blanko ko siyang tiningnan saka tumango.



Umalis na siya sa kwarto namin at iniwan ako doon mag isa.


#

Alex Frost

My Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon