Darkest Past 14

2.9K 66 23
                                    




Chapter 14: Sweet?


"Pards! Yung pagkain ko nasan na?" sigaw ni Rex sa akin. Mabilis kong kinuha ang baril ko at tinutok sa kanya. Buti na lang at  nasa kabilang lamesa ang mga bata. Kakatapos lang ulit nilang maligo sa dagat kasama ang mga tita nila.

"May paa ka. Ikaw ang kumuha. O gusto mong pilayan na lang kita?" sigaw ko pabalik ng may pagbabanta.

Napataas ang kamay niya at biglang ngumisi sabay sunigaw.


"Wahhhhh....Yana, si Alex babarilin ako. Nakikisuyo lang naman ako ng pagkain eh," sumbong niya sabay pout. Matalim ko siyang tiningnan habang si Yana naman ay tinaasan ako ng kilay.

"Eh, hindi naman sila kasali di ba?" reklamo ko habang kay Yana nakatingin.

"Aba nagrereklamo ka, Alexander?" taas kilay pang tanong ni Yana sa akin. Mabilis akong umiling saka ngumiti ng peke.

"No. Pero kasi-"

"Di nagrereklamo ka nga! Gagawin mo ba o ayaw mong patawarin kita?" singhal niya sa akin. "Habang nandito tayo, kahit sino pa mag utos," dagdag pa niya sabay irap sa akin.


Walang akong magawa. Ako ang may kasalanan at ako ang humingi ng kapatawaran kaya pag hirapan ko. Kahit labag sa loob ko ang sundin ang utos nila ay sumunod na lang din ako. Mahirap na, baka di ako patawarin.

Kumuha ako ng pagkain at ibinigay iyon kay Zamora.

"Humanda ka pag uwi natin. GAGANTI AKO," tiningnan ko siya ng masama pero ngumisi lang siya.

"Wag kana magalit, Bro. Tinutulungan lang naman kita," katwiran pa ng walang hiya.

Narinig ko naman ang hagikgik ni Xia sa likuran ko.

"Dad, okay lang yan. After nyan bati na kayo ni Mom. Isipin mo nalang nanliligaw ka ulit." Bigla ako napatitig sa kanya. She gave me a brilliant idea. Mana talaga sa aking ang anak kong iyan.

Yeah, I court her again habang nandito pa kami. Napangisi ako habang iniisip ko iyon ng may bumato sa akin.

"Stop smirking idot. You look like a maniac," he said. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Sino pa ba kundi si Yael Ichida.


Isa pa yang bwisit na lalaking yan. Kasalanan niya kung bakit kami naghiwalay ni Yana. Akala ko may relasyon sila iyon pala Kapatid lang ni Yana.. Gusto ko na talagang pasabugin ang bungo niya ng malaman ko iyon.

Flashback

"In one condition," sabi ni Yana sa akin habang nakatitig sa mata ko.


"Lahat gagawin ko. Para patawarin mo lang ako," pabibong sagot ko. Di ko naman alam na may mangayayaring ganoon ngayon.

"Okay, let's go." sabi ni Yana at lumabas ng cottage. Sa labas nandoon ang lahat, nag uumpisa na silang mag grill.


Natahimik sila ng makita kaming dalawa. Seryoso kasi si Yana at poker face naman ako.

"Alexander wants my forgiveness and I agreed. But in one condtion, papayag ako kung magiging slave ko siya habang nandito tayo sa resort." pahayag niya na ikinalaki ng mata nina Rex, ngumisi lang ang Queens at pati na si Kage. Yung iba humalakhak na sa tuwa.

"Shut up!" inis na sigaw ko.

"But before he start to that, gusto lang ipaalam ang ilang bagay." She paused at tumingin sa aming lahat. "I want you to all meet my Brothers, Eros Ford, alam nyo na di ba?" turo niya sa gagong Eros. Ngumisi lang ito sa amin. "And the eldest, Yael Ichida," sabi niya na nagpalaki sa mata namin.

My Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon