Her POV
"Ito ba yong bago?" tanong ng babaeng balyena sabay turo sa akin
Nakatungo lang ako dahil Nahihiya ako sa sarili ko, pakiramdam ko ang dumi-dumi ko na kahit hindi pa ako nag simulang mag trabaho
"Yes Madame siya yong bago" sabi ni Maya
Siya yong babae kong kaibigan. Siya si Maya Lopez na akala ko inosente pero yon pala may tinatagong lihim
Siya ang nanghila sa akin dito. Sa lugar nato kung saan sasayaw kami sa harap ng maraming tao. Nandito kami sa Club I have no choice kundi pasukin ang lugar nato dahil kahit saan ako madedestino mapa Janitor, yaya, katulong,secretary at kung ano-ano pang trabaho. Wala akong alam pati pag huhugas hindi ko alam, ikaw ba naman ang galing sa marangyang pamilya na naging mahirap bigla
"Ang ganda ng Beauty niya Maya saan mo ba napulot ang babaeng ito? panigurado ako marami siyang mga customer " sabi ng Balyena habang sinusuyod ako ng tingin
Sheet! I wan't to die. I wan't to get out of here pero kahit gusto kong umalis sa Club nato wala akong magagawa. Wala akong pera kong aayawan ko ito
Peste naman kasi kung kailan umusbong na yong Company ni Daddy at Mommy tsaka pa sila namatay. Yes! Namatay sila dahilan para mabunkrupt ang Company namin. I don't know how to manage a business dahil ang alam ko ang gagamitin lang ang pera nila para ilakwatsa, para igala kasama ang mga kaibigan, na akala ko tutulong sa akin pero heto wala ni-isang tumulong sa akin. Buti pa itong si Maya na inaapi ko noon siya pa yong tumulong sa akin.
Nung namatay ang daddy at Mommy na sa pagkaka-alam ko walang findings na maayos yong Doctor dahil wala daw silang makikitang sakit ng dalawa. Basta ang alam nila mukha daw nalason at di pa talaga sila sure niyan. Mga bwesit na Doctor pati pasyente di alam kong anong sakit at anong dahilan ng pagkakamatay nila. Basta ang alam ko non nasa party si Mommy at Daddy non sa kasusyo nilang business Tycon at yon na nga may tumawag sa akin isang gabi, sabi na nasa ospital sina Mommy at Daddy
But sad to say patay na sila ng maabutan ko sila sa ospital. Nung araw din na yon may lumapit na Attorney sa akin sinabi na binilin ni Mommy at Daddy sa akin yong Company at One Hundred Million na pera, kaso yong Company di ko kayang gampanan ang pagiging Business Woman kaya Benenta ko ang Company namin sa Halagang 200 Million
Sa pera na yon marami akong ginamit nagpapa embestiga ako. Kong ano talaga ang totoong ikamatay nina Daddy at Mommy, kaso gumastos na ako ng 2 Million wala paring Findings. Parang sobrang mysteryoso ang pagkakamatay nina Daddy at Mommy. Ginastos ko ng ginastos yong pera gala dito, gala doon kasama ang mga kaibigang ginagamit ka lang pala. Araw-araw kami gagala at araw-araw ako lalabas ng pera. Syempre libre ko hanggang umabot ng tatlong buwan ang pag gastos ko ng pera na hindi ko namamalayan na ubos ko na pala ito.
"Suotin mo ito iha" sabi ng Balyena sa akin sabay bigay sa akin ng isang Red na damit na sobrang nipis tapos kitang-kita yong clevege ko
"Tanggapin mo walang pa-inosenti inosenti dito,ngayong gabi ikaw ang Superstar" sabi niya. Naka yuko kong tinaggap yong damit
"Hoy! Maya samahan mo yang bago nating Dancer" sabi niya kay Maya
"Yes Madam" sabi ni Maya at nilapitan ako "Oy! Ang swerte mo superstar of the Night ka Kahit kakapasok mo lang" naka ngiting sabi ni Maya
Nginitian ko lang siya ng halatabg pilit
Ang laki ng utang ko kay Maya dahil sa kanya kaya hanggang ngayon nabubuhay pa ako sa mundo. Isang buwan na akong naghihirap at isang buwan na rin akong walang nagawang matino, kahit saang trabaho ang papasukan ko hindi ako umaabot ng tatlong araw dahil sisante agad ako. Wala nga kasi akong ka-alam alam sa trabaho buti nalang itong si Maya kinopkop ako sa apartment niya. Kahit binubully ko siya noon kasi gusto niya kasi makipag kaibigan sa akin. Eh ako namang spoiled na tao ayaw sa mahihirap kaya ayon parati ko siyang binubully sa skwelahan
"Naku pasensiya ka na talaga dito kita dinala wala na akong Choi-----"
"Naku! Okay lang dapat nga ako ang mag so-sorry sa iyo" nahihiyang sabi ko
"Naku! naintindihan kita sege na pasok ka na sa dressing room dahil sasayaw kana mamaya" sabi niya
Tumango ako at pumasok na sa loob ng dressing room. This Night magbabago na talaga ng tuluyan ang sarili ko. This Is my first time na papanoorin ng maraming tao kong paano ako sasayaw sa stage
"Hoy! Superstar of the Night Ikaw na ang sasayaw galingan mo ha!" sabi ni Balyena sa akin
pumikit ako ng mariin bago huminga ng malalim. Abot-abot ang kaba ko habang dahan-dahan kong inakyat ang mga paa ko papunta sa stage na kung saan may mataas na pole
Kung sa pagsasayaw lang ang pag uusapan magaling ako diyan pero kapag sa self confidence talong-talo ako. Ewan ko ba nung mayaman ako ang kapal-kapal ng mukha ko pero ngayon halos ayaw ko ng tumitig sa mga tao dahil sa kahihiyan
Nagsimula nang tumogtog ng slow musik. Naka tayo lang ako sa gitna ng stage habang naka yuko pinalpakan pa nila ako, may nag wiwisle kaso nawala agad ito ng makita nilang naka tayo lang ako sa gitna ng Stage
"Hoy babae sumayaw ka!" galit na sigaw ni balyena
"Chen Sumayaw kana" sigaw rin ni Maya
Hinigpitan ko ang pagkapit sa damit ko na kakarampot lang. Di ko yata kaya ang ganitong trabaho
"Ano ba yang superstar of the Night niyo walang silbi"
"Sayang ang ganda pa naman kaso bata pa ang utak"
"Booo! Baba niyo na yan di marunong sumayaw ang puta!"
Kanya-kanyang sigaw ng mga tao sa loob ng Club. Napa pikit nalang ako ng mariin dahil sa mga masasakit na salitang sinasabi nila
kahit gustohin ko mang umiyak pinigilan ko nalang at pilit kinalma ang sarili 'This Night Im A bitch' sabi ng utak ko
"Baba kana Walang silbi'
"Hindi pwede bata dito".
Sigaw parin sila nang sigaw. Hindi ako naka tiis itinunghay ko ang ulo ko at tinitigan silang lahat, natahimik naman sila dahil sa pag biglaan kong pagtunghay ng ulo
"Sheet! Ang ganda "
bulungan nila. Nag smirk lang ako at sinimulan ko nang sumayaw kaya mas lalo silang nag bubulungan ang iba kong ano-ano nalang mura ang lumabas sa mga bibig pero wala akong paki-alam ang gusto ko matapos agad ako sa trabaho ko
"Wew!"
"Woooo!"
Umikot ako sa pole habang dinidilaan yong stainless pole sinayawan ko yong pole ng walang humpay minsan umaakyat pa ako at doon sumayaw ng sumayaw
Marunong akong mag pole dancing dahil ito kadalasan ang ginagawa ko sa Club namin noon, nong nag aaral pa ako ng Pole Dancing Club sa school.
Wala akong makikitang ibang ekspresyong galing sa mga tao. Kundi ang naka nga-nga nilang mga bunganga na kulang nalang kainin ako ng buo at ang kanilang pag hanga at higit sa lahat Lust
Nilapitan ko ang lalaking kasing edad ko. Naka ngisi siya habang nakatitig sa akin, nasa malapitan kasi siya ng Stage kaya naabot ko agad siya. Nakuha kasi agad ng atensyon ko ang lalaking ito
Tinaas ko yong panga niya at inakit ko siya sa mga titig ko, habang patuloy na sumasayaw kaso nanatili lang siyang naka ngisi
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya kaso inilag niya ang mukha niya sa akin at tinignan ang madilim na sulok nitong Club
Sinusundan ko ang tinitignan niya habang sumasayaw parin. Natigilan ako sa nakita kong pigura na nasa madilim na sulok. Isang kakaibang mata na ngayon ko lang nakita. Nakatitig siya sa akin nang nag aalab na tingin, di ko maiwasang di matakot sa mga titig niya sa akin kahit nasa malayo siya ramdam ko ang nakakatakot niyang Aura sabayan pa ng mata niya na kakaiba ang kulay
Binalingan ko ng tingin ang lalaking kanina pa naka ngisi sa akin. Lumayo ako sa kanya dahil may nakikita rin akong kakaiba sa mga mata niya.
What Kind of people are they??
BINABASA MO ANG
I was sold to a devil vampire
Vampire(The picture for the cover belongs to its respectful owner though I edited the cover. I repeat the picture above is not mine. They are from their respectful owners from pinterest .)