Chendal POV
"Zieg Pwede ba akong umalis?" tanong ko kay Zieg
Nagising ako kina-umagahan na nasa terrace si Zieg naninigarilyo wala namang sunrise kaya di siya napapaso dahil medyo madilim ang kalangitan
Ako rin pala napapaso kapag may sunrise huhuhu kaming mga bampira napapaso. Mahirap maging bampira yan lang ang masasabu ko. Halatang tanggap ko na talaga na bampira ako kaya sasagarin ko nalang.
Kaming mga Bampira makakalabas lang kami kapag umaga pero pagkatapos lang yon ng sunrise dahil kapag may sunrise o sunset yong balat namin mapapaso tapos kapag gabi naman nafe-feel ko na sobrang energetic ng katawan ko at yong pananaw ko sobrang linaw, marami akong napapanasin sa sarili ko minsan di ko pa macontrol ang pagiging bampira
Akala ko yong dugo lang ng tao ang pwedeng inomin ng mga Bampira pwede rin pala hayop pero minsan naghahanap ako ng dugo ng tao buti nalang napigilan ko dahil sa tinuro ni Zieg sa akin
Ilang araw na kaming nag ta-training ni Zieg pero di ko parin talaga siya matalo-talo at medyo may natutunan na rin ako kung paano ko ma-control yong pagiging Bampira ko at paano ko gamitin at kung paano makipag laban, Hindi naging madali ang pag tatraining ko marami akong naranasan na hirap minsan nagigising ako isang umaga na masakit ang buong katawan dahil sa walang pagod na training
"Zieg pwede ba akong Lumabas kasama si Maya?" sabi ko ulit ng hindi siya umimik
Nilapitan ko lang talaga siya sa terrace para tanongin yon sa kanya. Medyo hindi na rin ako takot kay Zieg di katulad noon na mapalapit lang ako sa kanya nanginginig na ako sa takot pero ngayon sanay na ako sa presensiya niya, sa presensiya niyang makapag panginig ng kahit sino
"Oy! Zieg" tinusok ko yong braso niya dahil di talaga siya umimik patuloy lang siyang humithit ng sigarilyo habang naka tingin sa kawalan
"Zieg!" tawag ko ulit, Binalingan niya ako ng tingin at binigyan ng walang emosyong mukha
"What Woman?"
Napa nguso naman ako, tignan niyo kailangan pa paulit-ulitin yong pagtawag ng pangalan niya para makinig sa akin
"Sabi ko pwede ba ako aalis kaming dalawa ni Maya" naka ngusong sabi ko
"No!"
Bagsak naman ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Ilang araw na akong kinukulit ni Maya na pwede ba daw kaming mag bonding dalawa kaso natatakot akong mag paalam kay Zieg kaya ito ngayon nilakasan ko na ang loob ko na mag paalam kaso ito lang pala ang napapala ko
"Gusto ko lang naman mag bonding kami ni Maya ilang araw na niya akong inaya-------"
"I said No Woman, No, we have a training today were not yet done tss" malamig na sabi niya sabay pitik ng sigarilyo para itapon ito sa astray
Yumuko naman ako at malungkot na huminga ng hangin
"Di ka ba naawa sa akin ilang araw na akong pagod sa training, ano ka ba bigyan mo naman ako ng Break" mangiyak-ngiyak na ako
Binalingan niya ako ng malamig na tingin
"Vampires don't get tired, Don't try to lie at me Miss it won't work on me"
Napahilamos naman ako sa mukha ko at tinignan siya ng pagod na tingin
"Hindi nga ako napapagod pero itong katawan ko nag hahanap ng marerelax kaya payagan mo na ako Zieg naman" inis na sabi ko
"No "
Pumasok siya ng kwarto pagkatapos niyang banggitin yon, Naiwan naman akong nakatanga
Superior bakit ang tigas ng bungo mo grr di talaga siya marunong umunawa kainis..
BINABASA MO ANG
I was sold to a devil vampire
Vampire(The picture for the cover belongs to its respectful owner though I edited the cover. I repeat the picture above is not mine. They are from their respectful owners from pinterest .)