Carter POV
"Lucifer suma-impyerno ka, dinggin mo ang kahilingan ko na sana mabuhay pa ako sa ibabaw ng lupa, na sana matapos akong panain ni Misis Chen ngayon mabubuhay pa akong muli dahil kawawa ang mga babaeng nag mamahal sa akin at itong kagwapohan ko kaya sana dinggin mo ang hiling ko dahil di pa ako ready na mawala, konti palang nabiktima kong masasarap na babae,magpapaka bait na talaga itong kagwapohan ko" pikit matang sabi ko
Nagtaka ba kayo dahil para akong timang na nanalangin kay Lucifer na iligtas niya ako. Nasa bingit lang naman ng kamatayan itong kagwapohan ko. Naka gapos ako ngayon sa malaking kahoy samantalang sina Superior nasa may di kalayuan nireready na yong pana para tuhogin ako, lintik!
"Zieg paano ba ito mahawakan ng maigi para deretso na sa puso ni Carter itong arrow?" rinig kong tanong ni Misis Chen kay Superior
Wengya! Di man lang na awa itong si Misis Chen sa kalagayan ko may gana pa siyang mag tanong ng ganyan samantalang ako naiihi na sa kaba. Kahit naman nasa kalayuan sila naririnig ko silang dalawa,pinatalas ko talaga yong tenga ko baka bigla-bigla nalang itira ni Misis Chen yong pana tapos di pa ako ready
Puta naman kasi itong Alexander at Rusty, nadamay ako sa kalokohan nila, dapat sana sila lang dalawa ang nasa sitwasyon ko ngayon dahil natanggol ko na ang sarili ko.
Okay na sana eh, sinabi ko na... Na hindi tumulong ang dalawang gago sa pag bubuhat ng mga patay kaso tangina anong bang mali sa sinigaw ko non. Ni-rape nga ako ng dalawang gago, ikaw ba naman ang sakalin at balian ng buto, hindi kaba sisigaw ng rape
"Ulol! Wag kang tumunga-nga!"
Nawala ako sa pag-iisip ko ng marinig ko yong sigaw ni Alexander. Agad akong napa tingin kina Superior, at ganon nalang ang pagka taranta ko ng makita kong papalapit na sakin yong laso. Napamura ako ng malutong at pumikit ng mariin
"Kapag ako namatay mumultohin ko talaga itong si Superior" di ko na napigilang banggitin ang katagang yon habang naka pikit ng mariin
Nag hintay ako ng ilang minuto kung may tumama ba sa dibdib ko na punyal kaso wala akong naramdamang tumama sa dibdib ko, di kaya namatay na ako at namanhid lang ang katawan ko kaya hindi ko naramdaman yong pag tama ng punyal
"Nasa impyerno na ba ako?"
"Nope pero papunta kana don "
Minulat ko ang mata ko at bumungad sa gwapo kong mukha ang madilim na aura ni superior, lumunok ako ng sunod-sunod at napa-tingin ako sa dibdib ko baka natamaan ako nung pana kaso wengya sana natamaan nalang talaga ako nung pana dahil hindi yong punyal ng pana ang naka tama sa dibdib ko kundi ang mga kuko ni Superior na kating-kati ng kunin yong puso ko
"S-superior"
Tinignan ko yong gilid ng ulo ko, nandon yong palaso, kamuntik ng matamaan yong mata ko buti nalang hindi natamaan
"S-superior hehehe"
Narinig kaya niya yong binulong ko kanina? Tangina, sana hindi
"I hear it, loud and clear dumbass and you must die right now " mariin na sabi niya
Nyeta!
"N-nagbibiro l-lang naman ako non eh, sina R-rusty lang n-naman yong m-mumultohin ko" kanda utal na sabi ko
"Idiot! Suit your fucking self"
Bago pa makuha ni Superior yong puso ko na tumatambol na sa kaba, narinig ko ang malakas na sigaw ni Misis Chen na nang hingi ng tulong
"Fuck!"
Biglang naglaho na parang bula si Superior sa harapan ko at ang huli kong namataan hinahabol na ni Superior yong lobong nag kuha kay Misis Chen
BINABASA MO ANG
I was sold to a devil vampire
Vampirgeschichten(The picture for the cover belongs to its respectful owner though I edited the cover. I repeat the picture above is not mine. They are from their respectful owners from pinterest .)