Chendal POV"Gosh! Si Maya" Excited na sambit ko
Nagmadali akong lumabas ng Sasakyan para puntahan si Maya. Sakto naman may napara na siyang taxi kaya minadalian ko ang paglalakad ko para makalapit agad
Sasakay na sana siya sa loob ng taxi buti nalang nahawakan ko yong braso niya kaya napatigil siya at napatingin sa akin na gulat na gulat
"Chen!"
"Maya!"
Sabay na sigaw naming dalawa. Niyakap niya ako ng mahigpit na may pag-alala sa mukha . Ewan ko ba naiyak ako, Para kasi akong bata na nakita na yong mama niya. Akala ko guni-guni ko lang yong nakita ko siya totoo pala talaga
"My God! Chen saan ka ba galing nag alala ako sayo!" sabi niya pagka kalas niya sa yakap niya sakin
"Sa ano"
Sasabihin ko ba sa kanya na nabili ako ni Superior tapos pinakawalan ulit
"Ikaw saan ka nang galing wala kana don sa Apartment natin ah" pag iiba ko sa usapan
Di ko kasi kayang e-open yong nangyari sa akin, sa mga kamay ni Superior natatakot akong sabihin sa kanya, baka di rin siya maniniwala kung yong naka bili sa akin ay isang bampira
"Wag mong ibahin ang usapan ako ang na unang mag tanong dapat ako ang una mong sagotin"
Hay! Kilala ko na talaga itong si Maya di pwedeng ipagpaliban ang tanong niya dapat sasagotin mo talaga
"Ano Kasi.." nagkamot ako ng ulo at naghahanap ng paraan para maka lusot " Ano punta muna tayo sa tinutuluyan mo sasabihin ko sayo ang nangyari sa akin" sabi ko
I have no Choice kundi ang sabihin nalang talaga sa kanya pero di naman ang lahat ng detalye pipiliin ko lang. Alam ko kasing makulit itong si Maya
"Sakay na sa taxi " sabi niya, umiling ako at hinila ko kasi siya papunta sa kotse
"Hindi, may kotse ako don tayo sasakay sabihin mo nalang sa akin ang adress ng tinutuluyan mo" sabi ko
Kahit nasa mukha niya ang pagtataka pumasok nalang siya sa loob ng sasakyan pero yong bunganga niya di talaga mapalagay
"Paano ka nagka kotse?" takang tanong niya
Pinaandar ko muna ang kotse bago ko siya sinagot
"Yong nag bili sa akin binigyan ako ng kotse"
"Ano!? teka! teka natuloy yong Auction yong pagbenta sayo ni Madame" gulat na sabi niya.Tumango ako
"Wala akong choice eh pinalibotan ako ng mga tauhan ni balyena" Naalala ko nanaman yong nangyari sa akin
"Piste talaga ang balyena na yan ang sama talaga sarap tirisin" nangigil na sabi niya
"Nag tatrabaho ka parin ba don sa Club?" sinusulyapan ko siya sandali
"Hindi na noh! Sino ang may gustong mag trabaho don ang sama nung Matandang yon sarap nga ipa-pulis elegal ang ginawa niya sayo Chen"
Nag-Usap lang kaming dalawa nang kung ano-ano hanggang sa marating namin yong tinitirhan niya, isa din yong apartment
"Bakit ka pala lumipat ng tirahan pinuntahan pa naman kita don sa Apartment natin" tanong ko pagka pasok namin sa loob ng apartment niya
Nagulat ako ng hinila niya ako papunta don sa sofa at lumapit sa akin ng maiigi. Ang lapit pa nung mukha niya
"Bakit?" takang tanong ko. Yong mukha niya kasi parang natatae na ewan. luminga-linga siya sa piligid pagkatapos huminga ng malalim
"Kaya ako lumipat don sa apartment na tinutuluyan natin may naramdaman kasi akong Weird para bang may naka tingin sa akin. Simula nung di tayo nagkasama kasi nga ibenenta ka ng matandang madame na yon, sobrang creepy na nung apartment" seryosong sabi niya
BINABASA MO ANG
I was sold to a devil vampire
Vampire(The picture for the cover belongs to its respectful owner though I edited the cover. I repeat the picture above is not mine. They are from their respectful owners from pinterest .)