Chendal POV
Nagising ako dahil parang umaalon ang inuupuan ko at paligid, nahihilo rin ako
"Saan ba ako?" mahinang sabi ko
Iminulat ko ang dalawang kong mata ng dahan-dahan at inikot ang paningin sa paligid habang hinihilot ang noo. Bigla kasing sumakit yong ulo ko pagka bukas ko nito, medyo umiikot rin ang paningin ko pero makakaya naman, naaninag ko nga na nasa loob ako ng sasakyan
Umayos ako ng upo habang patuloy parin na hinihilot ang noo, kaya pala parang umaalon ako dahil naka sakay pala ako ng sasakyan
"Gising na pala kayo asawa ni Superior" rinig kong sabi nung driver
Kinuskos ko ang mata ko para makita ko yong driver na nasa harap
"Carter?" kumunot ang noo ko
"Yes! walang iba kundi si Stephen Carter nga, ang pinaka gwapo sa lahat ng gwapo" naka ngising sabi niya
Kumunot lalo ang noo ko at nabaling ang tingin sa suot-suot ko, ang bigat kasi, it's a black wedding gown with a black diamon design na naka dikit sa gown. Sobrang laki ng Gown na halos di ko kayang makagalaw dahil sa laki
"Bakit naka suot ako nito?" pinanlakihan ko ng mata si Carter
"Naka limutan mo na ba, Ngayon ang kasal mo Misis Soon to be Sawyer"
Nanlaki naman ang mata ko at doon ko lang napag-tanto ang lahat, lahat ng ginawa nila Carter kaya napunta ako sa ganitong sitwasyon. Pumikit ako ng mariin
"Ihinto mo ang sasakyan" Galit na sabi ko. Binuka ko ang mga mata ko at mariin siyang tinignan
Kapag di niya ito ihihinto, ako mismo papatay ang sa kanya. Wala akong paki-alam kung bampira siya ang akin lang galit ako. Galit ako kina Carter,Alexander at Rusty sila ang may pakana ng lahat ng ito
"Okay Misis Sawyer" naka ngising sabi niya. Mas lalo tuloy akong nainis sa ngisi niya
"Wag mo akong nginingitian Carter di ako natutuwa sayo akala niyo nakakalimutan ko ang pagsisinungaling niyo sa akin! " sigaw ko
"Woah! Easy! Easy! ihihinto ko na ito baka lapain mo pa ako ng wala sa oras" natatawang sabi niya, sinamaan ko siya ng tingin kundi lang sobrang laki ng Wedding Gown ko kanina ko pa siya sinuntok sa mukha
Hininto niya nga yong kotse kaya hindi na ako nag dalawang isip na lumabas. Nahihirapan pa ako dahil sa suot kong wedding gown.Wala na akong paki-alam kong saan man ako ngayon naka hinto basta ang gusto ko lang makatakas sa kasal. Ayaw kong makasal kay Superior
Naalala ko kanina yong pagka hilo ko bigla, malakas ang kutob ko dahil yon sa Juice na binigay ni Mayordoma, nawalan ako ng malay dahil may nilagay si Mayordoma don na pampatulog. Mukhang inutosan siya ni Zieg. Nakita niyo na kung gaano siya ka demonyo
"Goodluck sa kasal niyo ni Superior Misis Sawyer" naka ngisi ulit na sabi ni Carter pagka labas ko ng sasakyan
Nagtaka tuloy ako sa sinabi niya. Inikot ko yong tingin ko sa paligid. Doon ko lang napagtanto na nasa malaking Palasyo ako, Oo palasyo dahil sobrang laki ng Bahay hindi siya mukhang bahay lang na mukhang mansyon kundi mukha siyang bahay ng hari, It's really big Palace na sa t.v ko lang nakikita. Madilim ang bawat sulok pero nakikita ng dalawang mata ko ang lahat ng tao sa labas ng Palasyo, sobrang dami nila puro sila naka itim na suot at naka tingin silang lahat sa akin na blanko ang mga mukha ang tatahimik rin nila
"Shet ka Carter!" mahinang mura ko habang tinitignan bawat mukha ng mga tao sa labas ng palasyo, naka tingin parin sila sa akin kaya kinikilabotan ako lahat yata ng balahibo ko sa katawan tumaas
BINABASA MO ANG
I was sold to a devil vampire
Vampire(The picture for the cover belongs to its respectful owner though I edited the cover. I repeat the picture above is not mine. They are from their respectful owners from pinterest .)