CHAPTER 37

5.1K 108 0
                                    

Chendal POV

"Ah Shit" mura ko ng magising ako kina-umagahan or should I say tanghalian

Ang sakit ng ulo ko kaya hinilot ko ito, naka pikit parin ang mga mata ko habang ginagawa ko yon. Hindi ko maibuka ang mga mata ko dahil hanggang ngayon umiikot parin ang paningin ko. Wala akong naalala tungkol sa naganap kagabi basta ang alam ko may humila sa akin na lalaki. Yon lang natandaan ko the rest wala na

"Leche di na talaga ako iinom" mahinang banggit ko

Kahit hindi ko ibuka ang dalawa kong mga mata  alam ko na nasa kwarto ako ni Zieg, naka higa sa malambot niyang kama at amoy ko rin ang manly niyang pabango na nakaka adik

Bumuga ako ng hangin habang pikit parin ang mata at sapo ang mukha. Ang bilis ko pala malasing Shemay pero kapag pang taong inomin hindi naman agad ako nalalasing pero bakit sa bampirang inomin ang bilis kong natamaan. Talagang di pa ako sanay na maging ganap na bampira

Hinilot ko nang panghuli ang noo ko para maibsan kaonti ang hilo bago ko napagpasyahang ibuka ang mga mata ko na naka pikit

Pagbukas ko ng mata ko bumungad agad sa pagmumukha ko ang madilim na mukha ni Zieg. Naka tiim bagang siya habang naka titig sa akin. Ramdam ko ang malalim niyang paghinga na nag dulot sa akin ng pagka kaba at takot. Shete! nanginig ako sa titig niya sakin ngayon

Shete mukhang nagsimula nanaman akong matakot sa kanya. Ibang aura kasi ang pinapakita niya  ngayon isang madilim na aura na kahit sino manginig ang tuhod dahil sa takot. Kahit naka shades siya ramdam mo talaga ang pamatay niyang tingin

Lumunok ako ng laway para kahit papaano mawala ang kaba ko kaso walang epekto mas lalo lang lumala ang kaba ko sa dibdib

Kasalanan talaga ito ng katigasan ko. Kundi dahil sa blood wine na ininom ko di sana madilim aura niya ngayon at  mukhang masaksihan ko pa at nakasali pa sana ako sa laban kagabi kong meron man. Wala talaga kasi akong maalala kaya nag sisi ako kong bakit uminom-uminom pa ako ng blood wine tapos di ko naman pala kaya

"Zieg A-ano k-kasi" kanda utal-utal na sabi ko

Bumangon ako sa pagkaka higa at hinarap siya ng naka yuko. Alam kung galit siya dahil nalasing ako kagabi. Mukhang siya yata yong nag uwi sa akin kagabi. Para talaga akong bata ngayon kong titignan

"A-ano bang nangyari? Diba sabi mo may first fight tayo? may laban ba kagabi  sorry nalasing ako" naka tungong sabi ko

Nilaro-laro ko ang daliri ko siya naman
hindi parin siya nagsalita prenteng-prente parin siyang naka upo sa upuan habang naka cross arm, magka harap kami ngayon, ako nasa kama at siya nasa upuan naka dekwtro

Itinunghay ko ang ulo ko para tignan siya at naabutan ko siyang madilim parin ang aura. Gusto ko siyang yakapin at halikan para humingi ng sorry kaso...

Napatingin ako sa damit ko at inamoy ko ang sarili ko ng pasimple. Napa ngiwi ako, amoy wine ako

"Mag aayos muna ako Zieg" nagkamot ako ng ulo at ngumiti ng hilaw

Hindi naman siya umimik kaya nag tuloy-tuloy na ako sa pagtayo habang hindi siya nilingon. Kumuha ako ng damit sa Closet pagkatapos dumeretso na ako sa bathroom pero bago ako makapasok ng tuluyan sa bathroom binalingan ko muna ng tingin si Zieg.

Wala nang emosyon ang mukha niya at igting ang panga habang sinusundan ako ng tingin

Halos matalisod ako kakamadaling makapasok sa bathroom dahil sa panginginig

"Gosh! ang bobita mo talaga Chen bakit kapa kasi uminom tignan mo galit ang bampirang yon sayo"

Para akong baliw sa loob ng bathroom na pinagalitan ang sarili dahil sa katangahan. Naligo na ako pagkatapos ng ilang sermon ko sa sarili ko, pagkatapos kung maligo nag toothbrush ako at nagbihis sa loob ng bathroom

I was sold to a devil vampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon