CHAPTER 49

3.8K 80 0
                                    

Chendal POV

From Maya:

-Chendal help me papatayin ako ni Zieg

Nanlamig ako sa nabasa ko. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Kahit konting galaw ng paa hindi ko magawa. Para ring gumuho ang mundo ko sa narinig ko galing kay Cassandra sabayan pa ng text ni Maya na makapang hina

Lumunok ako ng laway at kumurap-kurap. This is to much information. Sumasakit ang puso ko sa nalaman ko. Tama bang maniwala ako sa mga pinag sasabi nina Cassandra at Rius? Paano kong hindi ito totoo..Si Maya? ang kaibigan ko papatayin siya ni Zieg pero bakit?

Anong dahilan ni Zieg? Bakit niya papatayin si Maya? May ginawa ba siya? O gusto lang talaga ni Zieg na patayin ang kaibigan ko

Sinabunotan ko ang buhok ko at pumikit ng mariin. Konting-konti nalang mababaliw na ako. Konting-konti nalang mababali ko na itong sanga na pinag upuan ko. Im shaking right now and my lips was trembling

S-si Zieg? Si Zieg ang pumatay sa mga magulang ko? He killed my parents? Si Maya? papatayin niya. And Charity I-is- is-is my..

"I have a sister" Wala sa sariling bulong ko

"Oh Shit Chendal kanina ka pa diyan?"

Wala sa sariling napabaling ang tingin ko sa ibaba.. Nakatingala si Charity at si Rius sa akin. Si Charity ang sumigaw non

Gulat ang mukha ni Charity at si Rius naman seryoso lang ang mukhang nakatitig sa akin

"Chendal bumaba ka sa punong yan. Ang baby mo"

Nakatitig parin ako kay Charity, pabalik-balik kay Rius. Nakatulala parin ako sa kawalan. Naging blanko ang paningin ko habang nakatitig sa kanila. Lumipad ang isip ko ngayon. To the point na namanhid na ako sa pwesto ko

Maraming pumapasok sa isip ko. Ang baby ko sa tiyan, ang ama ng anak ko na si Zieg, si Maya, si Charity. Damn

"Narinig mo lahat diba?"

Napakurap-kurap ako. Nabalik ako sa huwisyo ko ng nasa harapan ko na si Charity. Naka patong na siya sa sanga na inupuan ko

"Nahulog yang cellphone mo, kaya nakita kita dito" Nilahad niya ang cellphone ko na umiilaw, tumatawag parin si Maya at panay ang text niya

"Narinig mo ako Chendal kaya di ko na kailangang ikumpirma pa na kapatid mo ako"

Nakatitig parin ako sa cellphone ko, na nakalahad sa akin. Blanko ang ekspresyon kong nakinig sa kanya pero ang atensyon ko nasa cellphone

From:Maya

-Please Chen tulungan mo ako papatayin na talaga ako ni Zieg

Natuyo ang lalamunan ko sa nabasa ko. B-bakit? B-bakit sunod-sunod ang nalalaman kong kademonyohan tungkol kay Zieg. Ano pa? Ano pa? Ano pang lihim na nakatago

Ang sakit ng lalamunan ko parang may bumabara. Di ko kaya. Ang sakit

"Baba na tayo, sa ibaba na tayo mag usap "

Hahawakan na sana niya ako. Nang sinapak ko ang kamay niya na ikinangiwi niya

Mahina lang yong pagka sapak ko pero halos mamilipit siya sa sakit

"Wag mo akong mahawak-hawakan" nag babantang sabi ko, sinamaan ko pa siya ng tingin

Nakita ko sa mata niya ang pagka gulat at pagka takot pero pananadalian lang yon. Dahil napalitan ito ng malamig na tingin

"Hindi ka ba naniwala sa nadinig mo, kapatid mo ako "

Hinawakan niya ako sa kamay, hinablot ko ang cellphone ko sa kamay niya

I was sold to a devil vampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon