CHAPTER 4❤

6.6K 135 6
                                    

  Chen POV

Kahit natakot ako don sa banta nong lalaki na parang may sayad at nakakatakot, nagpatuloy parin ako sa pag trabaho sa Club.

Kinabukasan ng gabi, sabay nanaman kami ni Maya na pumunta nang Club. Nagustuhan ko na rin ang mag trabaho don dahil ang laki nang binigay nung balyena sa akin kagabi. Kahit first day ko pa

"Hoy babae ikaw na ang sasayaw. Wag kang tumanganga ha! baka mapareho yan kahapon, buti nalang maganda ka kaya nahuhumaling yong mga lalaki sayo "

tumango lang ako. Kailangan ko na yatang masanay sa ganitong trabaho. Ang ipinagtataka ko kahapon, yong lalaking nakakatakot ang aura lang yong naging ka table ko, wala nang iba. Siguro walang nag tangkang e-table ako dahil akala siguro nila boring akong babae

Pabayaan na nga,mas mabuti nga kapag ganon dahil ayaw ko ring may ka-table. Di ako komportable, baka bastusin lang ako at alokin na maging Sex slave at maging asawa kagaya nong lalaki kahapon

Umakyat na ako sa hagdanan papuntang stage para sumayaw. Shit! hanggang ngayon naasiwaan pa ako sa ginagawa ko sa buhay ko

Pagka tunog nang Music nagsimula na akong sumayaw,gaya nang ginawa ko kahapon sinayawan ko yong pole at inaakit nanamam silang lahat sa sayaw ko

Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at pumasok don yong lalaking naka ngisi sa akin yong sinayawan ko kahapon na may kakaiba rin sa mata

Kumabog ang puso ko nang maiisip ko na baka kasama niya yong lalaking nakakatakot. Nag hintay ako ng ilang minuto kung may naka sunod sa kanyang nakakatakot na nilalagang at naka hinga ako nang malalim dahil walang naka sunod sa kanya

Natatakot na talaga ako sa lalaki na yon, kahit kahapon pa kami nagkita nanginginig ako. Hindi ko alam basta ang lakas nang aura niya sa katawan na kahit sinong taong lalapit sa kanya matatakot

Umupo yong palangisi sa inuupuan niya kahapon. Naka ngisi nanaman siya sa akin habang nakatitig sa akin na sumasayaw sa harap niya

Iniwas ko ang tingin sa kanya at itinuon nalang ang pansin sa pagsasayaw. Hanggang sa matapos ako

Nilapitan agad ako i balyena pagka pasok ko sa back stage

"Babae nakita mo ang lalaking yon?" tinuro niya yong lalaking palaging naka ngisi sa akin

"opo" sagot ko

"Puntahan mo makikipag table siya sayo" sabi niya sabay alis sa harap ko

Shit! Baka siya nanaman ang mang alok sa akin ng trabaho. No way! naramdaman ko pa namang may kakaiba sa lalaking yon

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako huminga nang malalim pagka tapos lumapit na ako sa lalaking palaging naka ngisi

"Hi sir" sabi ko pagka lapit ko sa kanya, senenyasan niya akong umupo kaya umupo ako sa kaharap niyang upuan

"Ang galing mong sumayaw What's your name?" naka ngising tanong niya

Bakit ba parating naka ngisi ang isang ito? may nakakatawa ba? para na siyang nasisiraan

"Chendal Smith" sagot ko

"Nice name, Im Rusty Monteverde " nilahad niya yong kamay niya kaya nakipag kamay ako sa kanya

Yumuko ako nang tinitigan niya ako nang naka ngisi parin. Grabe naiinis na talaga ako sa ngisi niyang yan sarap bangasin

"So kamusta ang pag-uusap niyong dalawa ni Superior kahapon?" tanong niya sabay bitaw sa kamay ko

"Sinong Superior?" tanong ko

"The one who's wearing shades Yesterday, diba nag usap kayo?"

Teka siya? Yong nakakatakot na lalaking naka table ko kahapon ang weird naman ng pangalan niya 'Superior' parang hari lang

I was sold to a devil vampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon