CHAPTER 50

5.2K 107 7
                                    


Chendal POV

"Sigurado kana ba sa desisyon mo? Kakalabanin mo ang superior ng bampira?"

Humigpit ang kapit ko sa manobela sa tanong ni Rius/Kyle. Tango ang tanging sagot ko, dahil nag ngitngit na ang paningin ko

Sa tuwing naalala ko yong video na napanood ko. Nangigigil ako sa galit, naiinis ako kay Zieg at sa tatlo niya pang alagad. Fuck! Kasabwat pala ang tatlong ugok na yon sa pag patay kina mommy at daddy.

Ang mga taong pinag kakatiwalaan ko ng husto ay ang tao ring may malaking kasalanan sa akin, ang nararapat sakanila ay ilibing ng buhay sa impyerno

"Dahan-dahan sa pag maneho, over speeding kana"

Malapit na mag hating gabi. At konti nalang yong sasakyan na madadanin namin sa kalsada

Ako ang nag maneho at naka-upo naman si Rius sa front seat. Si Cassandra naman nasa backseat naka higa. Wala paring malay. Mukhang napuruhan talaga sa pagtulak ko.

Napa-iling nalang ako. Ayaw ko sanang isama ang dalawang to, ngunit nag pumilit si Rius na sumama

Pagka dating sa harap ng company ni Zieg. Agad kong ipinark ang sasakyan sa harap ng entrance ng mataas na building

"Hintayin mo ako dito Rius, wag mo na akong samahan" malamig na sabi ko. Nang makita kong sumunod siya sa akin sa pag labas ng kotse

"Pero quee---"

"Wag mo akong tawaging queen, hindi pa ako sumang ayon na mamuno sa mga lobo. Hintayin mo nalang gumising si Cassandra bago ka sumunod"

Nag alinlangan pa siyang tumango bago pumasok pabalik sa kotse. Huminga muna ako ng malalim bago ko napag pasyahang tumingala sa napaka taas na building ng company ni Zieg

Medyo dim ang lahat ng ilaw bawat floor. Sa ganitong oras walang ng office work dahil hanggang 10 pm yong off. Ngayon hating gabi na, nakaka sigurado akong wala ng tao sa building na yan. Except kay Maya at kay Zieg, kung meron man siya sa loob

Umilaw ang phone ko sa kamay at sa kabilang kamay ko naman ang maliit na kutsilyo na gamit-gamit ni Zieg sa pag patay ng magulang ko

Habang papasok ako ng entrance, binuksan ko yong mensahe na natanggap ko

From: Unknown number

-Dumeretso ka sa rooftop ng building

Napa higpit nalang ang hawak ko sa phone ko. This person who text me, sino ba ang taong to? Kakampi ba siya ni Zieg? Isa ba siya sa tatlong pugo? Pero kong isa nga sakanila, imposible namang utusan sila Zieg ni Zieg na pasahan ako ng video ng katarantaduhan nilang apat

Ang gusto lang ni Zieg para sa akin ang maging malinis siya sa paningin ko. Kaya imposible na isa ito sa tatlo

Ako:

-Magpakita ka sakin, alam ko may alam ka

Posebleng may alam rin siya sa lahat ng ito, nakaka gago na talaga ang lahat ng ito. I felt betrayed

From: Unknown number

- Malalaman mo rin sa tamang oras

Napahilot ako sa noo ko at napapikit ng mariin. Mas lalo lang yata akong sasabog sa galit. Halo-halo ang naramdaman ko ngayon

Ipinasok ko ang cellphone ko sa bulsa at pinindot ang button ng elevator para pumasok sa loob

Sobrang tahimik sa unang palapag at hindi rin naka lock ang malaking glass door sa entrance kaya naka pasok agad ako sa loob ng building. Medyo madilim pagka pasok ko

I was sold to a devil vampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon