CHAPTER 12

6.3K 133 0
                                    

  Chendal POV

Pumunta ako ng first floor pagka tungtong ng alas dose, grabe gutom na gutom na talaga ako. Kanina pa ako nag pipigil bumaba para mag hanap ng kakainin.

Mabuti nalang may food court dito sa First floor at dito rin pala kakain yong mga trabahante sa High Tower Building, silbi ito yong Cafeteria nila kung paaralan pa ito

Nag tingin-tingin ako sa mga pagkain na nasa stall habang yong tiyan ko patuloy na nag raramble dahil gusto na daw kumain ng mga alaga ko, Jusko! Ang sasarap ng mga pagkain na naka hilera kaso yong presyo nakakasilaw

Dumukot ako ng pera sa bulsa ko at halos gusto ko nalang umiyak dahil sa sobrang pagka dismaya

" 100 pesos nalang yong pera ko" nanlumong sabi ko

Gutom na gutom pa naman ako kaso anong mabibili ko nitong 100 pesos ko isang putaheng ulam. Putspa! yong presyo ng isang ulam 100 at yan pa yong pinaka mababang presyo ng ulam ha.

Naku! mag pa-pray na nga lang ako baka matupad pa, ngayon lang naman eh..huhuhy Lord! sana may dumating na Guardian angel na sasagip sa kahirapan ko ngayong araw, na sana may manglilibre sa akin ng pagka----

"Psst.. Anong pinikit-pikit mo diyan"

Napa tanga naman ako at
Doon ko lang napagtanto na naka pikit pala ako habang nag nanalangin kaso nabitin dahil biglang Dumating yong supervisor ng Building nato walang iba kundi si Kyle

"Oy! Kyle ikaw pala " Hilaw na ngiting sabi ko

Grabe nakakahiya yong nakita niya sakin na naka pikit baka akalain niya na nababaliw na ako

"Bakit ka nakapikit anong nangyari sayo?" pigil tawang sabi niya

Napanguso naman ako at nagkakamot ng ulo "Wala yon nag pa-practice lang akong pumikit hehehe" naka ngiti parin ako ng hilaw. Pangigurado ako ang pula na ng mukha ko dahil sa kahihiyan

"Ganon ba" sabi niya pero yong mukha niya halatang di naniwala sa palusot ko

"Oo " ^______^

"May kasabay ka bang kumain sabay na tayo "

Teka! Hanudaw--- huhuhu Wala akong pera kyle nanalangin nga ako, wala rin akong pambiling pagkain. Nakakahiya naman kapag tumunganga lang ako sa harap niya tapos siya sarap na sarap sa pagkain. Paano ako tatanggi sa kanya

"Ano kasi mamaya na ako kakain babalik pa ako sa office ko may gagawin pa ako sege aalis na ako"

Maglalakad na sana ako palayo sa kanya ng bigla niyang hinawakan yong braso ko

"Sabay nalang tayo alas dose na malipasan ka ng gutom niyan"

Shit! anong sasabihin ko grabe kung alam niya lang na kanina pa naghahanap itong tiyan ko ng pagkain

"Mauna kana may i-pa-pass ako kay sir Zieg ngayon kailangan ko yong madaliin"

Nginitian ko siya,binitawan naman niya ng dahan-dahan yong braso ko kaya naglakad na ako palayo sa kanya

"Sa susunod nalang " sabi ko sabay wave sa kamay ko, tumango naman siya habang naka ngiti rin

Pagka labas ko ng foodcourt, doon mas lalong kumalam yong tiyan ko kaya napahawak ako nito. Taragis gutom na gutom na talaga ako

Sakto namang naka hawak ako sa tiyan ko at naka ngiwi kong mukha ang pag biglaang pag sulpot ni Superior na parang Model na naglalakad sa malaking Ground nitong first floor, naka shades nanaman siya dahilan para mas lalo siyang naging Gwapo sheet! bakit kasi ang Gwapo ng Bampira nato kaso nga lang ang sama ng ugali

I was sold to a devil vampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon