CHAPTER 20

5.9K 104 0
                                    

Kinabukasan nagising ako na masakit ang katawan. Mga 1:00 pm yata ako nagising dahil sa sobrang pagod, Shet! kapag naalala ko ang pinagagawa namin ni Zieg uminit ang pisngi ko

" Saan nanaman itong si Zieg?" tanong ko sa sarili ko,  Hindi ko kasi siya nakita sa tabi ko pero kunsabagay tanghali na akong nagising kaya malamang kaninang umaga pa yon bumangon at malamang nasa High Tower Company na siya ngayon nag tatrabaho

Pumunta ako sa banyo para makapag ayos habang naka tapis sa katawan ko yong kumot papasok

Naligo ako ng malamig na tubig pagkatapos nag toothbrush at lumabas ng banyo na naka tapis na ngayon  ng tuwalya

Nangalkal agad ako sa closet ni Zieg ng damit dahil wala akong maisusuot, Isang Boxer at mahabang damit nanaman ang sinuot ko. Katulad nong unang punta ko dito sa mansion niya  nanghiram nanaman ako ng damit

Pagkatapos kong mag bihis bumaba na ako sa napaka lawak na First Floor, malinis na ito hindi katulad kagabi na may maraming mga design mga lamesa at mga pagkain. Ngayon balik na ito sa dating arrangement, di ko tuloy Nasaksihan ang nangyari kagabi dito dahil naka tulog agad ako dahil sa pinaggagawa namin ni Zieg

"Manang Si Zieg po anong oras umalis?" tanong ko pagka kita ko kay Mayordoma

"Naku maam buti gising kana, Nandon po si Sir Zieg sa dinning area kanina ka pa niya hinintay sabay daw kayong kakain" naka ngiting sabi niya

Kumunot naman ang noo ko at nag madaling pumunta sa dinning area at nadatnan ko don si Zieg na naka upo sa kadalasan niyang inuupuan habang naka cross arm na naka tingin sa pagkain na nasa harap niya

"Wala ka bang trabaho?" kumunot pa lalo ang noo ko  pagka lapit ko sa kanya

Binalingan niya ako ng tingin at nagkabit balikat siya habang walang pinapakitang ekspresyon sa mukha

"Are you tired?" tanong niya, Hindi niya sinagot yong tanong ko aba! Inignore ako

"Ha?" parang timang na saad ko. Ibig niya bang sabihin yong ginagawa namin kagabi? Kung alam lang niya

.

"tss..Wag mo ng sagotin kumain kana" malamig na sabi niya

Napa simangot naman ako sa inasta niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, kahapon lang sobrang bait niya sobrang gentleman tapos ngayon para na siyang ewan. Bipolar lang  grr nakakagigil ang ugali niya

Kumain ako ng tahimik habang hindi siya binabalingan ng tingin. Nag simula na kasi akong mainis sa ugali niya, bumabalik nanaman ang Zieg na masungit napaka Cold walang modo, Saan na yong kahapon na ugali niya, may nalalaman pa siyang pabuhat-buhat sa akin at balikos-balikos ng braso sa bewang ko

"Sarap mong tusukin ng tinidor" bulong-bulong ko na narinig niya yata

"What the fuck did you say?" tumaas yong boses niya, kinilabutan tuloy ako

Hindi ko siya pinansin bagkos bumulong-bulong pa ulit ako

"Ang magaganda hindi dapat pinapansin yong mga paasa" umiling-iling ako

Paasa ka Zieg akala ko bumait kana talaga, yon pala ganon parin ugali mo hay! bakit pa kasi ako umasa na mag babago pa yang ugali niya

"Will you stop murmuring i hear you Miss" inikotan ko siya ng mata, syempre di ko pinakita

"Bakit mo ba ako hinintay magising  Sana na una ka nalang kumain baka malipasan ka, Bampira ka pa naman baka bawal sa inyo ang malipasan ng gutom" sabi ko

Mabuti nalang Hindi ko pinahalata ang sarcastic sa boses ko kaya medyo naka hinga ako. Baka mag alburoto siya kapag nahihimigan niyang naiinis ako sa kanya ayaw niya pa naman ang ganon

I was sold to a devil vampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon