CHAPTER 42

4.9K 125 5
                                    

Chendal POV

Ngiti-ngiti akong umuwi pabalik sa mansion ni Zieg, di ko maipaliwanag ang naramdaman ko ngayon, sobrang saya ko. Excited na nga akong ipaalam kay Zieg na buntis ako. Siguro masaya rin si Zieg pagnalaman nyang buntis ako. ^____^ Sana babae yong anak namin para mabihisan ko siya. Pangarap ko talaga na babae yong anak ko. Ang cute-cute kasi

"Nandito na tayo"

Naputol ang maganda kung pag-iisip pagka rinig ko sa sinabi ni Maya

"Di ka papasok sa loob? Kain ka muna" anyaya ko, siya parin yong nag drive pauwi, di ko yata kayang mag drive dahil sa sobrang pagka overwhelm sa nalaman ko. Im pregnant and im full of excitement right  now. Excited akong ipaalam kay Zieg

"Hindi na, may trabaho pa ako eh, congrats pala sa anak niyo ni Superior, gusto ko ninang ako niyan" masayang sabi niya. Ngumiti naman ako at tumango

"Sure"

Nagpa alam na siya sa akin, syempre may dala siyang kotse kaya don siya sumakay pagkatapos niyang maipark yong kotse ni Zieg

Pagka pasok ko sa loob ng bahay sobrang liwalas parin ng mukha ko, Pagka bukas ko ng pinto mukha agad ni Mayordoma ang bumungad sa akin, Nawala tuloy yong ngiti ko dahil sa mukha niya na sobrang nag- alala,  Kinabahan naman ako

"Bakit manang? Anong nangyari?" Nag alalang tanong ko

Biglang tumulo ang luha niya at umiling-iling. Ano bang nangyari? Bakit nagka ganito itong si Manang?

"Sabihin niyo po sakin ang totoo, ano bang nangyari bakit po kayo umiiyak?" Parang naiiyak na rin tuloy ako kahit di ko pa alam kung anong dahilan ng pag-iyak niya

"M-may natanggap akong balita i-iha" pumiyok yong boses niya

"A-ano p-po yon?"

Sana hindi kay Zieg ang balitang yan, sana hindi siya dahil pag nangyaring kay Zieg. Hindi ko lang alam kong anong magagawa ko

"Mamayang gabi mag away-away ang lobo at lahat ng bampira sa Katana "

Para akong natuod sa nalaman ko. Sina Zieg mag away-away sa Katana?

"P-paano mo nalaman manang?"

May inabot siya sa aking telang puti, tinanggap ko ito at agad binuksan, nanginig ang kamay ko ng mabuksan ko ito,  dugo ang ginamit sa pagsulat at halos matumba ako sa nabasa ko

'TONIGHT IS THE WAR'
-Katana Palace

Napa singhap ako at nanginig ang kalamnan ko sa sulat na yon. Kahit fetus pa ang bata sa tiyan ko parang naramdaman kong lumikot siya sa loob

Sa may pinaka ibaba may naka sulat rin, inaninag ko ito ng mabuti dahil sobrang liit na letra

'Bring your wife Sawyer'

Nalamukos ko yong tela at nagtiim bagang? They really wan't me huh? Ano bang gagawin nila sa akin? Bakit gusto nila akong makuha?

Napahilot ako sa noo ko, dinaluhan naman ako ni manang, bigla akong nahilo dahil siguro sa sobrang stress nitong nalaman ko ngayon

"Iha okay ka lang?" Tumango ako at nagpa -akay sa kanya para maupo sa sofa

"Okay kana, kukuha ako ng maiino----"

pinutol ko ang sinabi niya at pinigilan siya sa pag alis

"Manang buntis ako, tama nga ang hinala natin"

Hindi nakapag salita si manang sa balita ko sa kanya, naka tingin lang siya sa akin, ngumiti ako ng pilit kahit sobrang bigat ng naramdaman ko, pagkatapos kong sumaya may kapalit pala talagang kalungkotan

I was sold to a devil vampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon