Chendal POV
Habang naghihintay kay Zieg na babalik sa kwarto, inaliw ko nalang ang sarili ko para hindi ako mabored
Nanood ako ng spongebob Squrepants sa malaking flat screen mabuti nalang may Pizza sa loob ng ref kaya ito agad ang nilantakan ko
Hanggang ngayon na bo-bothered parin ako kung anong Pinag-uusapan nila ni Zieg sa ibaba. Alam ko naman kasing may seryoso silang usapang apat kaya syempre hindi niya ako isinama. Tsk ano bang kinatatakutan ni Zieg at ayaw niya akong isama sa ibaba
Alam ko naman ang pag-uusapan nilang apat , tungkol siguro sa nangyari sa mansyon. Paano kaya yong mga men in black at mga katulong posible kayang mag ha-hire ulit si Zieg ng panibago. Namatay kasi lahat ng katulong at maid kaya malamang mag ha-hire nanaman siya ng bago
"Im back"
Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko yong boses ni Zieg. Naka bend siya sa likuran ko habang yong panga niya nasa balikat ko at inamoy-amoy yong leeg ko
"Nandiyan na ba sina Carter?"
Tumango siya kahit naka-baon yong mukha niya sa leeg ko, nakayakap nanaman siya patalikod sa akin. Kahit mahirap yong sitwasyon. Naka upo ako sa sofa at naka sandal sa sandalan samantalang siya nasa likod
"I miss you"
Ano naman ang nayokyok ng Bampira nato at namiss ako. Magka sama pa nga kami kanina tapos kung maka sabi ng I miss parang ang tagal naming di nagkita
"Magkasama tayo kanin, namiss mo agad ako"
Tumango ulit siya habang naka ba-on parin yong mukha niya sa leeg ko. Mas lalong humigpit yong yakap niya sakin
"I love You"
Ay! Ano ba!
"I love you too po" respond ko
Baka nga naka yokyok ito ng shabu kaya naging ganito ito bigla kaya papatulan ko na kasweetan ni Zieg. Gusto ko rin naman ang kasweetan niya ^_____^
"Are you hungry Woman?" tumango ako sa tanong niya
Kumalas na siya sa pagyakap sa likod ko at pumunta siya don sa ref at may kinalkal. Sinundan ko lang bawat galaw niya. Kumuha siya ng karne yata
"anong gagawin mo?" Takang tanong ko. Sinulyapan niya ako sandali at nangalkal nanaman sa ref
May nilabas siyang karne at ibat-iba pang mga uncook foods. Nang malabas niya lahat lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo kahit nagtatak parin ako. Kung ano yang ginagawa niya. Wait! Don't tell me..
"I'll cook Miss, mag luluto ako para sa asawa kong nagugutom na, wait here okay" mahinang sabi niya. Hinalikan niya ulit ako sa noo pagkatapos pumasok na siya sa isang puting pinto dala-dala yong mga kinuha niya sa ref. Naiwan naman ako naka nga-nga
God! Marunong pala siyang mag luto? Ngayon ko lang alam, napaka kagat nalang ako sa ibabang labi ko para hindi maka ngiti pero sadyang ginagago ako ng labi ko ngumiti nalang talaga
Damn! Bakit ka ganyan Zieg, mas naiinlove ako sayo lalo
Kahit gustohin ko mang pumumta ng kusina para makita ko siya kung paano at anong echura niya habang nagluluto,pinigilan ko ang sarili ko kahit amoy na amoy ko na yong niluto niya. Sobrang bango nito at sa pagkaka alam ko mas lalo akong nagutom dahil sa bango. Napa pikit na nga ako dahil sa bango
"Oh shit!"
Namulat ko ang mata ko pagka rinig ko sa mura ni Zieg, Inikot ko ang mata ko sa buong kusina isa yong white na ding-ding at brown na mga kabinet ang namataan ko sa loob, kumpleto rin ng kagamitan sa pag luluto, sobrang cute rin tignan
BINABASA MO ANG
I was sold to a devil vampire
Vampire(The picture for the cover belongs to its respectful owner though I edited the cover. I repeat the picture above is not mine. They are from their respectful owners from pinterest .)