CHAPTER 39

5.4K 96 1
                                    

Chendal POV

I cant believe na napatay namin ni Zieg  yong mga Wolf at di ako makapaniwala na first fight namin ito ni Zieg. Ang saya kaso..

Pagka pasok namin sa loob ng Mansyon. Isang magulo at may maraming dugo ang na abutan namin sa loob, basag yong mga paintings na naka sabit sa dingding, mga vase na mamahalin na basag rin, mga lamesa na nagkanda buhol-buhol at yong mga maid at mga men in black na naka handusay sa sahig namatay na silang lahat

"Oh God!"

Napatakip nalang ako sa bibig ko dahil sa gulat,  pinatay nilang lahat yong mga tauhan ni Zieg. I can't believe this, posible kayang madamay rin ako kung nandito pa ako sa mansyon naka mukmok

Posibleng ganon nga ang mangyari sa akin. Pumikit ako ng mariin at pilit kinalma ang sarili dahil sa nakita kong echura sa loob ng mansyon. Nanginginig ako sa di ko malamang dahilan, para ring kumulo ang dugo ko, uminit rin ang kalamnan ko

Napatingin ako sa kamay ko ng bigla itong nanginig na parang gusto ng pumatay

"Relax" bulong ni Zieg sa likod ko

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. I never felt this tension in my body before, parang gusto kong pumatay dahil sa pagtitimpi ng galit. Mga tauhan sila ni Zieg and i can't take na namatay na sila ngayon, kahit papaano sila ang kasa-kasama ko dito sa loob ng mansyon kapag wala si Zieg, kaya medyo malapit na rin ang loob ko sakanilang lahat

Hinarap ko si Zieg na hanggang ngayon naka hawak parin sa kamay ko. Walang  mababakas na emosyon sa mukha niya sa kabila ng nangyari sa mga tauhan niya at sa lahat ng katulong

"Z-Zieg patay na sila" nanginig ang labi ko, tumango lang siya

"Shh.. I know baby, i know. Control yourself , what did i tell you, what is the rule for being a vampire remember it and stop what your thinking right now, that's not good woman, that's not"

Nakalma naman ako sa sinabi niya, kahit papano nahimasmasan ako sa sinabi niya

"Si Mayordoma? kailangan natin siyang hanapin? baka buhay pa siya" rinig sa boses ko ang pag alala para kay mayordoma. Tumango siya at mas hinigpitan ang pagkaka hawak sa kamay ko

Umakyat kami sa second floor at hinalughog namin ang buong second floor, gaya sa ibaba magulo rin sa second floor, may maraming pakalat-kalat na mga maid at men in black na naka handusay at mga gamit na basag ang nadaanan namin bago kami naka rating sa kwarto namin ni Zieg

Pagka bukas ko ng kwarto, napa nga-nga ako sa nadatnan ko sa loob. Kung  magulo sa labas mas magulo sa kwarto namin, baliktad na yong king size bed namin ni Zieg, yong closet rin na nag sisilabasan na ang mga damit naming dalawa, yong lamp shade na nabasag, pati yong maliit na lamesa nabaliktad na rin, basag yong sliding door sa terrace at ang mas nakakapa windag sa akin, yong salamin ng closet may naka sulat don na 'Soon, she's mine'

Naramdaman ko ang brasong pumulupot sa bewang ko, at ang panga ni Zieg na nasa balikat ko naka patong, niyakap niya ako patalikod, wala akong magawa kundi ang namnamin ang yakap niya sa kabila ng panginginig ko

"Makakapatay ako kung pati ikaw nadamay, Im so thankful your in my office" humigpit pa lalo ang pagyakap niya sakin

Nagpapasalamat ako dahil kundi ako pumunta sa office ni Zieg para humingi ng sorry, malamang nadamay na ako sa patayang naganap sa mansyon niya at malang nadala na nila ako, nadala na ako ng mga lobo na yon

"Alam mo ba kung sino ang may pakana ng lahat ng ito?" tanong ko

Hinarap niya ako sa kanya at tingnan  ng walang ka emo-emosyon pero ramdam ko ang kakibang aura na naka palibot sa katawan niya, it's dangerous yet scary

I was sold to a devil vampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon