CHAPTER 47

3.9K 83 0
                                    

Chendal POV

"Anak lumayo ka sa asawa mo"

"Mommy"

Pilit kong inaninag ang liwanag na nasa unahan, may nakatayong ginang na pilit akong inaabot, pilit akong kuhanin . Meron siyang kasamang lalaki na magkapareho nang tayo at rebulto kay Daddy. Wait tama ba itong nakikita ko buhay sila pero bakit sobrang liwanag nang kinaroroonan nila

"M-mommy D-daddy buhay kayo" di makapaniwalang sabi ko

Naglakad ako papalapit sakanila. I was going to hug them nang nagulat ako dahil para silang bula na mahirap hawakan, para silang hangin na di mahawakan. Nanlaki ang mata ko at gulat na tinignan sina Mommy at Daddy na ngayon blanko ang mukha

"A-akala k-ko b-buhay k-kayo b-bakit h-hindi ko kayo mahawakan" tanging pag alala sa mukha ang sagot nila Mommy at Daddy sa akin

"Anak lumayo ka sa asawa mo, mapapahamak ka lang, kayo ni Maya mapapahamak lang kayo kapag mananatili ka sa puder niya" deretsong sabi ni Mommy na nagpanginig sa tuhod ko. Kinunotan ko sila nang noo

"Mom what are you talking about? Zieg can't harm me, he loves me a lot pinoprotektahan niya ako laban sa mga kalaban namin"

Bakit bigla akong kinabahan pagkasabi ni mommy na mapapahamak kami ni Maya. Anong ibig sabihin niya don, mahal ako ni Zieg kaya niya akong protektahan at kaya ko rin protektahan ang sarili ko at mas lalong walang masamang gagawin si Zieg sakin, mahal niya ako at ramdam ko yon

"Chendal anak makinig ka, unang labas mo palang sa sinapupunan ko wala akong ibang hangad kundi ang kapakanan mo kaya lumayo ka sa kanya at sumama ka samin at mamuhay tayo nang masaya at kompleto"

I was going to speak nang biglang nag laho ng paunti-unti ang pigura nilang dalawa at ang maliwanag na ilaw na nag silbing ilaw para makita ko sila ay naglaho rin

"Mommy anong ba yang mga pinagsasabi mo, nasa maayos na kamay ako... Mommy! Daddy!" Konting liwanag nalang ang nakikita ko, hindi ko maiwasang di mapa luha habang palinga-linga sa madilim na lugar, ni anino wala akong nakita, wala akong narinig sobrang lungkot ng paligid

"M-mommy Daddy sana okay lang kayo" humihikbing sambit ko "Hindi ako pwedeng sumama sa inyo masaya na ako na kasama si Zieg pero ito lang ang masasabi ko papatayin ko ang pumatay sa inyo, ipaghihigante ko kayo"

Napahilamos ako sa mukha ko kaso laking gulat at pagka tulala ko nang mag silabasan ang ugat sa kamay ko papuntang mukha ko. Napa pikit ako habang pinakiramdaman ang sarili ko na parang lahat ng buto ko sa katawan nagkanda bali-bali sa loob

"Ack!"

Parang umuusok ang mga mata ko dahil ang init, parang nag aapoy sabayan pa nang naramdaman ko sa kaloob-looban ko, konti nalang para na akong sasabog, para na akong mawalan sa ulirat nag iinit ang lamang loob ko

"MOMMY!"

Habol hininga akong napa bangon sa kama, pawis na pawis ako para akong tumatakbo nang ilang kilometro, kinakabahan rin ako, sobrang lakas ng pintig nang puso ko para akong aatakihin,

"Anong klaseng panaginip yon, bakit nagka ganon para akong pumapangalawa kay Satanas"

Ipinilig ko ang ulo ko habang chinecheck ang kamay ko na walang namang nangyari, hindi katulad sa napanaginipin ko na lumalabas yong mga ugat, nakakatakot akong tignan para talaga akong nasaniban ng demonyo

Pumikit ako nang mariin at pilit inaalala ang iba ko pang napanaginipan. Si mommy totoong ba yong sinabi niya? parang imposible naman yata yon. Zieg can't harm me because he loves me, malayong may gagawing masama si Zieg

I was sold to a devil vampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon