Chendal POV
"Aaaaaaahh!"
Ang lakas ng sigaw ni Zieg dahilan para nag sisiliparan yong mga bampira na nandito sa loob at yong nga Wolf na kakarating lang, kundi lang siguro kami naka tali ni Maya pati rin siguro kami liliparin rin sa lakas ng hangin
Limang hakbang lang ang layo ko kay Zieg at ramdam na ramdam ko ang kakaibang aura niya na nasa loob ng katawan niya.. patuloy siyang sumisigaw habang naka luhod at namimilipit sa sakit..
Gustohin ko mang makita yong mukha niya di ko kaya dahil naka talikod siya sakin. Kita ng dalawang mata ko kong paano nag sisilabasan ang ugat sa katawan niya at ang malalalim niyang pag hinga, Ramdam na ramdam ko ito at natatakot ako kay Zieg,
Nanginig na ako, gusto kong kumawala sa pagkaka gapos para lumayo sa kanya kaso ang higpit talaga ng pagkaka gapos sa akin. Nang hahapdi na ang pulsohan ko na kulang nalang dumugo dahil sa kakapilit kong makawala
"Chen! Nakakatakot siya , Gusto kong lumayo sa kanya baka anong gawin niya sa atin" Mangingiyak na sabi ni Maya. Naawa na rin ako sa kanya, nag lalandasan naman ang luha ko sa mata dahil sa kalagayan namin ngayon, pati ako natatakot na rin
Inikot ko ang paningin sa buong Katana, Maraming mga wolf ang dumating at napansin ko na nanghihina yong mga Bampira na nandito, fuck? akala ko ba malakas sila bakit nanghihina silang lahat
..
Sa may pinaka sulok naka kita ako ng bampira na tinanggalan ng ulo ng mga lobo, pinagtulungan nila ito kaya abot-abot na yong kaba ko, God! nakakita ba talaga ako ng ganitong kaganapan?Wag mong sabihin na mag aaway ang Bampira at ang Lobo ngayong gabi?
"Simulan na ang labanan" naka ngising sigaw nung lalaking kulay puti ang buhok na hanggang balikat ang haba, sa tingin ko siya yong leader ng mga wolf dahil kakaiba yong aura niya
Nag sisitaholan yong mga Wolf at nag transform sila sa pagiging lobo. Sinalakay nila yong lahat ng Bampira na nanghihina di ko mapagilang di mapasigaw pati si Maya napasigaw na rin dahil sa sobrang takot
"Zieg!" sigaw ko habang lumuluha na, Naka luhod parin siya habang naka talikod sa akin namimilipit parin siya sa sakit na naramdaman niya, yong kuko niya naging mahaba pa sa inaasahan ko na pang karaniwang kuko ng mga bampira.
Napatingin ako sa semento ng biglang nahulog yong suot-suot niyang Shades, Shet! makikita ko na yong mata niya. Isang harap niya lang sa akin makikita ko na
"The New King of this palace"
Napatanga ako ng biglang lumitaw yong pigura ng leader ng Mga wolf sa harap ni zieg, naka ngisi siya ng mala-demonyo kay Zieg, si Zieg naman parang nawawala sa sarili
Naka luhod parin siya habang hinahabol ang hininga, Di ko tuloy maiwasang hindi kabahan baka kong anong gawin nung Leader ng Wolf kah Zieg, baka patayin niya ito
"Zieg ano bang ginagawa mo tumayo ka nga!" luhang-luhang sabi ko. Mukha kasing nanghihina si Zieg mukhang di niya kayang makipag laban kong mag-aaway man sila ng Wolf na yan, matatalo lang siya
Napatingin sa akin yong Wolf at nginitian ako ng mala-demonyong ngiti. Di ko maiwasang di gapangan ng takot pagka kita ko sa mala-demonyong ngiti niya sa akin
"May naka lahad na palang pagkain dito, mukhang ikaw ang hapunan ko" sabi niya sabay dahan-dahan nag lakad papalapit sa akin
**********
Maya POV
Heck! nakakatakot, talagang totoo yong mga Wolf at bampira, tama na siguro itong nakikita ko ngayon para maniwala ako
BINABASA MO ANG
I was sold to a devil vampire
Vampire(The picture for the cover belongs to its respectful owner though I edited the cover. I repeat the picture above is not mine. They are from their respectful owners from pinterest .)