Facts about the Series:
Aurae Praelia pronounced as "Au-ra-i Pra-il-lia." Wala akong ibang maisip na perfect title for the series kung hindi foreign language. And upon doing my research, natisod ko ang Latin meaning ng "Heaven's Warriors."
Honestly, I have never been thispersistent in a series before. Usually, kapag nagpa-plano ako ng series,naka-focus ako sa details per book. Pero dito sa series na ito, pantay. I spentso much time and effort researching just for the history that I wrote on thePrologue. Simula sa mga pangalan ng mga characters, hanggang sa plot per book,up to the very smallest details. Effort kung effort. Haha! Sinakitan na nga akong ulo pero gora lang.
And also, this whole series is inspired by BTS and the Trailer Video for The Wings Tour. As soon as I saw the video, ayun, parang kidlat na tumama sa akin ang idea! Hindi ko na nga dapat ipu-push ang pagsusulat nito, kaso ayaw akong patahimikin ng alter ego ko. Alam kong matatahimik lang ako kapag sinulat ko siya. Kaya eto na nga siya... HAPPY READING! 😁
SA PAGBABA ng tatlo sa pitong Archanghel, na sila Andrew, Michael at Gabriel para mabuhay kasama ang babaeng mortal na minamahal ng mga ito. Isang desisyon ang binaba ng Angel Seraphim, ang pinakamataas ang antas sa lahat ng Anghel sa buong Kalangitan. Mayroon itong tatlong pares ng pakpak, isang pares para matakpan ang mukha, isang pares para takpan ang mga paa at ang isang pares ay ginagamit para panglipad. Ang maglunsad ng ikalawang henerasyon ng pitong Archanghel na siyang magpapatuloy sa misyon ng unang henerasyon. Ang tagapag-bantay ng sangkatauhan laban sa mga pitong pinakamalakas na alagad ni Lucifer.
Mula sa anak ng orihinal na archanghel, na sila Uriel, Chamuel, Jophiel, Zadkiel, at ang tatlong naninirahan ngayon sa mundo na sila Andrew, Michael at Gabriel. Mabubuo ang ikalawang henerasyon ng mga Archangel na tatawaging "Aurae Praelia" o Madirigma ng Langit. Pagsapit ng mga ito sa edad na dalawampu't lima, at nagkaroon na ng lakas at kapangyarihan ng mga ito, saka sila magiging isang ganap na Anghel. Ngunit hangga't wala pa sa tamang edad ang mga ito, kailangan manatili ang mga batang anghel sa loob ng Epouranios, ang lugar kung saan magaganap ang pagsasanay ng mga ito.
Si Angelo, ang anak ni Jophiel. Ramiel, ang anak ni Uriel. Si Raphael, ang anak naman ni Chamuel at si Haniel, ang anak ni Zadkiel. Sila ang apat na anghel magsasanay sa loob ng Epouranios. Samantala, ang tatlong anak ng mga archangel na nasa lupa ay kusang lalabas ang kakayahan at lakas ng mga ito pagdating ng tinakdang edad. Bukod doon, ay ang mismong ama ng tatlo ang magsasanay sa mga ito. Hindi maaaring dalhin ang tatlo doon sa langit dahil nabuhay na ang mga ito bilang tao, at walang sino man mula sa lupa ang maaaring makapasok sa Langit ng may pisikal na katawan.
"ANGHEL Adriel, ganito po ba?" tanong ng labing-dalawang taon na si Haniel.
Hinawakan nito ang malaking espada saka tinaas. Ngunit nagpa-gewang gewang iyon sa ere dahil mabigat masyado ito para sa maliit na katawan ni Haniel.
"Uy... uy... tulong!" sigaw ni Haniel.
Nagtawanan ang mga kaibigan ni Haniel. Agad naman lumapit si Anghel Adriel dito at kinuha ang espada. Si Anghel Adriel ang pinuno ng buong Epouranios, sa pamamagitan ng kapangyarihan nito ay nababalutan ng puting kapangyarihan ang buong Epouranios, kaya walang sino man bukod dito ang makakapasok basta ng walang pahintulot nito.
"Iyan ang mangyayari sa inyo kapag sumabak kayo sa laban ng walang sapat na pagsasanay at lakas. Maaari kayong mapamahak, maging ang mga kasama ninyo," paliwanag ni Anghel Adriel.
BINABASA MO ANG
Heaven's Warriors Series 1: Awakening the Angel
Fantasy(SOON TO BE PUBLISH ON PRECIOUS HEARTS ROMANCES) Teaser: Kung ganda din lang ang pag-uusapan, agad na itataas ni Nami ang dalawang kamay. Kung katawan din lang labanan, siguradong kulelat na ang iba. Ang mga 'yan ang katangian niyang ginagamit para...