CHAPTER FOURTEEN

745 22 0
                                    

          DAHAN-DAHAN nilapat ni Adrian ang mga paa sa sahig, mula doon sa sala ng condo niya, lumagos siya sa nakasaradong pinto papunta sa loob ng kuwarto. Natagpuan niya si Nami na himbing na natutulog. Agad siyang bumalik sa normal na anyo bilang tao, at maingat na naupo sa gilid ng kama. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Nami, saka kinuha ang kamay at hinalikan ang likod niyon.

"Gagawin ko ang lahat para lang ma-protektahan ka. Walang kahit na sino ang puwedeng manakit sa'yo, hindi ako papayag," bulong niya.

Ilang araw bago nangyari ang pangho-hold-up kay Nami. Muli silang nagharap ni Rosier, simula ng maging ganap na anghel siya at una nilang laban. Iyon ang ikalawang beses na nagkaharap sila nito. Alam ni Adrian ang dahilan ng biglang pagdating ni Rosier. Iyon ay dahil sa nalalapit na pagdating ng ikalawang Praelia, siya si Raguel, ang anak ni isa pang archanghel na nabuhay sa mundo na si Gabriel. Nabubuhay ito ngayon bilang si Justin, ang kaibigan at Music Producer ng Blue Light. Dahil doon ay nanganganib ang buhay nito kaya kailangan niyang bantayan ng mabuti. Para mawala ang atensiyon niya sa pagbabantay sa susunod na Praelia, pinuntirya ng kalaban ang mahal niya sa buhay.

Dahil doon, ang mismong ama ni Raguel, na si Gabriel ang nagbabantay dito. Habang siya, kinailangan bumalik sa lupa para bantayan si Nami. Ang dalawang hold-up-er at ang espiritu na ginamit ang katawan at mukha ni Lance, lahat ng iyon ay si Rosier at iba pang mga kampon ni Lucifer. At habang tumatagal, lalong nalalagay sa panganib si Nami.

Noong nasa restaurant sila, naramdaman ni Adrian ang presensiya ni Rosier na umaaligid. Doon sa condo nila, nakikita niya ang paglipad at pag-aligid ng mga itim na anghel. Naghahanap ng pagkakataon kung kailan masasaktan si Nami. Kaya makasigurado siyang ligtas ang dalaga sa tuwing kailangan niyang umalis. Ginamit niya ang natutunan noong nasa langit pa siya, ang maglagay ng harang o proteksiyon sa isang lugar para hindi makalapit ang kahit na sinong masamang espiritu. Ang kapangyarihan na mayroon noon si Anghel Adriel na nakabalot sa buong Epouranios.

Kapag natapos ang misyon niya doon sa lupa, sa oras na maging ganap ng anghel si Raguel, kailangan na niyang bumalik ulit sa langit. Kailangan ni Adrian na iwan muli ang dalaga. Ngunit sa pagkakataon na iyon, wala ng kasiguraduhan kung kailan siya babalik. Maaaring isa o dalawang taon, o baka hindi na. Naputol ang pag-iisip niya ng magising si Nami.

"Kanina ka pa?" tanong nito.

Ngumiti siya sa dalaga.

"Kararating ko lang," sagot niya.

"Hindi ko namalayan dumating ka," anito.

Nahiga si Adrian sa tabi ng dalaga, at agad itong yumakap sa kanya.

"What did you do habang wala ako?" tanong niya.

"Nanood ng TV, pero wala naman akong naintindihan, ikaw kasi iniisip ko," sagot nito.

Marahan siyang tumawa. "Bakit naman? Sabi ko sa'yo na babalik ako, di ba?"

"Oo nga, pero nami-miss kita agad kapag wala ka sa paningin ko," sabi ni Nami.

Niyakap niya ang dalaga, saka huminga ng malalim.

"I told you, I will always stay beside you. Remember, I am your guardian angel," sabi niya.

Natawa si Nami. "Doon pa lang kabog na, ang boyfriend ko, guwapo na, anghel pa," sabi pa nito.

Natawa rin si Adrian. "Sayang, hindi mo pwedeng ipagmalaki na may boyfriend kang anghel. Pero puwede mo na rin akong ipagmalaki ang mukha akong anhel sa sobrang guwapo ko," sagot niya, sabay kindat dito.

Heaven's Warriors Series 1: Awakening the AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon