"KAPIT KA ng mabuti," sabi ni Adrian sa kanya.
Agad sinunod ni Nami ang sinabi ng binata at yumakap ng mahigpit sa beywang nito. Lumakas ang kabog ng dibdib niya, isipin pa lang niya na ililipad siya ni Adrian ay talagang kinakabahan na siya. Ngunit ng maramdaman na yumakap sa kanya ang binata, parang tinangay ng hangin ang kaba niya.
Napalingon siya sa paligid ng makitang napalibutan sila ng manipis na ulap at lumitaw ang maliliit na ilaw na parang kulisap. Pagkatapos ay naramdaman niya ang marahan ihip ng hangin.
"Close your eyes," sabi ulit nito.
Pinikit niya ang mga mata. Mayamaya, biglang naramdaman ni Nami na lumakas ang hangin. Pagdilat niya, napasigaw siya ng malakas at literal na napayakap ng mahigpit kay Adrian ng makitang nakalutang sila ng hangin at lagpas na sila sa pinakamataas na building.
"Adrian! Baka mahulog ako! Huwag mo akong bibitiwan!" tili niya.
Natatawang hinigpitan nito ang hawak sa kanya.
"I got you, relax!" sabi nito.
Nawala ang takot niya ng makitang pumapagaspas ang pakpak nito. Pagkatapos ay napatingin siya sa binata.
"Wow, you really are an angel," tulalang sabi ni Nami.
"Kaya nga huwag kang matakot, hindi kita papabayaan," sagot ni Adrian.
Tumango siya. Mula doon ay lumipad sila nito sa mas mataas, hanggang sa wala na siyang makita sa ibaba kung hindi ang mga ulap. Dinala siya ni Adrian sa tuktok ng isang tila bundok, at doon sila bumaba.
"Teka, paano nagkaroon ng bundok dito? Wala tayong nadaanan na bundok di ba?" nagtatakang tanong niya.
Tumawa si Adrian. "Nasa ibang lugar na tayo, Nami."
"Nasa langit na tayo?" tanong pa niya.
"Wala pa, hindi makikita ng ordinaryong mga mata ang langit. Nasa mas mataas pa 'yon. Itong lugar na ito, dito ako naglalagi kapag gusto kitang makita pero hindi ako makababa sa lupa," sagot ni Adrian.
Napalingon siya dito.
"Nakikita mo ako mula dito?"
Marahan itong tumango.
"Look at the sunset, ito ang pinakamagandang lugar para panoorin ang paglubog ng araw. Kapag nalulungkot ako, dito din ako pumupunta," sabi ng binata.
"Wow, ang ganda," manghang bulalas ni Nami.
Parang nagkulay ginto ang mga puting ulap ng tumama sa mga ito ang kulay kahel na sinag ng araw. Everything that her eyes see that moment are all breathtaking. Parang hindi totoo at nasa isang maganda siyang panaginip.
"You like it?" tanong pa ni Adrian.
Nakangiting tumango siya. "Sobra," sagot niya.
Mayamaya ay tumingin si Nami kay Adrian at biglang yumakap dito. Napapikit siya ng maramdaman niya ang mga braso nito sa kanyang likod.
"Thank you for making me happy," sabi niya.
Napangiti siya ng maramdaman na hinalikan nito ang ulo niya.
"Kahit ilang beses kong paulit-ulitin, hindi ako magsasawang sabihin kung gaano kita kamahal," sagot ni Adrian.
BINABASA MO ANG
Heaven's Warriors Series 1: Awakening the Angel
Fantasy(SOON TO BE PUBLISH ON PRECIOUS HEARTS ROMANCES) Teaser: Kung ganda din lang ang pag-uusapan, agad na itataas ni Nami ang dalawang kamay. Kung katawan din lang labanan, siguradong kulelat na ang iba. Ang mga 'yan ang katangian niyang ginagamit para...