CHAPTER FIVE

829 33 2
                                    

"SIGURADO ka bang kaya mong pumasok?" tanong pa ni Mabel sa kanya.

Ngumiti si Nami sa pinsan saka marahan tumango.

"Oo, okay na ako. Saka hindi ako puwedeng umabsent ngayon, may special reservation kami. Nangako ako kay Sir Adrian na mado-double shift ako ngayon," sagot niya.

Bumuntong-hininga si Mabel.

"Hay... mabuti na lang talaga, dumating ang mga security. Kung hindi, naku, Angela talaga! May kinalagyan ka sa lalaking iyon," sabi pa nito.

Nang mawalan siya ng malay, ang kuwento ni Mabel sa kanya, mula sa CCTV ng hotel. Nakita ng mga ito ang paghabol sa kanya ni Lance simula pa lang sa hallway. Nasa second floor na daw sila ng maabutan ng mga security, hinuli daw si Lance ng mga ito saka hinand-over sa pulis. Simula doon ay dinala siya sa malapit na ospital, doon na rin siya nagkamalay. May mga pulis na nagtanong kung gusto niyang ireklamo o sampahan ng kaso si Lance. Pero pakiramdam niya ay mali din siya sa nangyari, kaya minabuti na lang ni Nami na huwag na itong demanda. Inamin din niya sa mga ito na tinangka niyang takasan si Lance matapos makuha ang pera. Mabuti na lang at hindi siya kinulong dahil na rin sa abogadong tumulong sa kanila, na hanggang ngayon ay hindi niya alam kung kanino galing ang abogado na iyon. Sa halip ay nagrequest na lang siya ng Temporary Restraining Order laban kay Lance. Nang gabing iyon, ay pinauwi rin sila ng doctor matapos niyang makapagpahinga.

Pero hindi na siya nakatulog buong gabi sa kakaisip, at hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari. Muntik na siyang mapahamak, at wala ibang dapat sisisihin si Nami kung hindi ang sarili. Biglang niyang naalala ang sandali kung saan hinahabol siya ni Lance. Hindi maintindihan ni Nami kung bakit sa dami ng tatawagin niya sa kanyang isipan, si Adrian ang una niyang naalala.

"Teka, sino ba iyong abogado na tumulong sa atin. Paano mo nakilala 'yon?" tanong niya.

Napansin niya na biglang umilap ang tingin nito.

"Ay bibili nga pala ako ng pagkain natin," biglang pag-iiba sa usapan ni Mabel, saka agad na tumayo. Nagtaka siya dahil halatang umiiwas ito.

"Mabel, may hindi ka ba sinasabi sa akin?"

Hindi nito naituloy ang paglabas saka dahan-dahan lumingon sa kanya.

"Eh kasi... sabi niya huwag ko daw sabihin sa'yo," sabi nito.

Lumapit siya sa pinsan. "Linawin mo nga ang sinasabi mo," aniya.

"Si Adrian, ang boss mo. Ang totoo siya ang nagligtas sa'yo mula kay Lance, kasama niya iyong mga security. Siya rin ang nagdala sa'yo sa ospital, at siya rin ang nagpakilala sa abogado na tumutulong sa atin ngayon," pag-amin ni Mabel.

Hindi agad siya nakakibo. Namalayan na lang ni Nami na umaagos ang luha niya.

"Si Adrian?"

"Saka may kasalanan din ako, ate. Tinanong ni Adrian noong wala ka pang malay, kung ano daw ang nangyari? At saka kung ano daw ang ginagawa natin doon? Napaamin ako ng totoo, ate. Hindi ko alam, hindi ko maintindihan kung anong meron sa boss mo. Parang ang hirap magsinungaling noong siya na ang kausap ko," sabi pa nito.

"Alam na ni Adrian ang totoong ginagawa ko," sabi niya sa isipan, kaya lalong umagos ang luha niya.

"Ate, okay ka lang?" tanong ng pinsan.

Nang bahagyang matauhan ay saka niya kinuha ang cellphone at agad na dinaial ang number ni Adrian.

"Nami,"

Heaven's Warriors Series 1: Awakening the AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon