"ANGELO..."
Tinakpan ni Adrian ang tenga. Paulit-ulit iyong nare-replay sa utak niya. Minsan na niyang nakita ang tunay na pangalan ni Nami sa resume noong araw ng interview ng dalaga. Pero dahil nasanay na siya na pangalan na Nami, nawala na sa kanyang isip na ang totoong pangalan nito ay Angela.
Kagaya ng unang beses, nang mabasa ang pangalan na iyon. Something strike him, a vision from the past. Ang tatlong bata na palagi niyang nakikita sa kanyang panaginip, they are calling him Angelo. Napasigaw ng malakas si Adrian ng biglang sumakit ang ulo niya, gusto niyang iumpog ang ulo niya sa sakit. Halos mag-tumbling siya sa ibabaw ng kama dahil sa pagsigid ng kirot sa kanyang ulo.
Hanggang sa bigla siyang nahirapan huminga, napaluhod siya at saka tiningala ang ulo, binuksan niya ang bibig para makasagap ng hangin, ngunit iba ang nangyari. Came from inside, a bright ray of lights came out of his mouth and his eyes. Napahawak si Adrian sa dibdib niya, ngunit mula doon ay may liwanag din lumabas. Mula sa kung saan, isang tinig ang kanyang narinig.
"Angelo... aking anak. Simula ngayon, at sa mga susunod pang mga araw. Lahat ng alaala ng iyong nakaraan ay unti-unting magbabalik. Huwag kang matakot, anak. Magpakatatag ka, dahil ito ang buhay na tinadhana sa iyo. Ang maging tagapag-lingkod ng Panginoon, ang maging magiting na mandirigma ng kabutihan."
"Angelo..." bulong ni Adrian.
Sa isang iglap, biglang nawala ang liwanag mula sa kanyang katawan, pagkatapos ay agad siyang bumagsak sa kama at tuluyan nakatulog.
WALANG katapusan dilim. Iyon ang sumalubong kay Adrian matapos niyang idilat ang mga mata. Kahit saan siya lumingon ay pawang dilim ang kanyang nakikita, ang tanging liwanag doon ay ang ilaw na nagmumula sa itaas.
"Nasaan ako?" tanong niya, habang panay ang lingon.
Ngunit nakakapagtaka na wala siyang nararamdaman na kahit ano man takot.
"Nami!" sigaw niya, ngunit walang dalagang sumagot. Tanging ang boses niya na nag-echo sa paligid ang kanyang narinig.
"May tao ba diyan?!"
Muli ay sariling tinig ang narinig ni Adrian. Bigla siyang napaatras ng lumakas ang ihip ng hangin, hanggang ang dilim ay unti-unting nagliwanag. Napalingon si Adrian ng makita ang isang pamilyar na lugar.
"Epouranios," bulong niya.
"Adrian,"
Natigilan siya, matapos makilala ang tinig na iyon. Parang kaboses niya, agad siyang lumingon. Ngunit nagulat siya sa nakita, the person standing in front of him is himself, but in a form of an angel.
"Sino ka?" tulalang tanong niya.
The man in front of him looked exactly like him, but he has large pair of white wings on his back. Nakasuot ito ng damit ng sundalo ng mga sinaunang panahon na Romano na purong puti.
"Iisa tayo, Adrian."
"Hindi kita maintindihan, anong ibig mong sabihin?"
"Ang nakikita mo ngayon ay ang tunay mong pagkatao. Malapit na ang araw ng paglabas ng iyong kapangyarihan," sagot nito.
"Sandali lang, naguguluhan ako," aniya, saka napapikit.

BINABASA MO ANG
Heaven's Warriors Series 1: Awakening the Angel
Fantasy(SOON TO BE PUBLISH ON PRECIOUS HEARTS ROMANCES) Teaser: Kung ganda din lang ang pag-uusapan, agad na itataas ni Nami ang dalawang kamay. Kung katawan din lang labanan, siguradong kulelat na ang iba. Ang mga 'yan ang katangian niyang ginagamit para...