CHAPTER ELEVEN

727 23 1
                                    

Note:

Para magkaroon kayo ng ide o ma-picture n'yo sa isip ninyo ang transformation ni Adrian bilang anghel. Watch the video above! Thank you and happy reading! :) 


NANG humarap si Nami, tumambad sa kanya ang guwapong mukha nito. Nakangiti, ngunit bakas ang lungkot sa mga mata. Parang may sakit dahil mukha itong nanghihina at namumutla ito. Doon na siya napaiyak ng tuluyan at yumakap sa binata.

"I'm sorry kung iniwan kita, I'm sorry!"

Tumingin sa kanya ang binata saka marahan umiling.

"Wala kang kasalanan," anito. "Sorry kung hindi ko sinabi agad sa'yo ang lahat tungkol kay Lance at tungkol sa akin. Dahil kahit ako, noong unang nagkakilala tayo, wala pa rin akong alam sa sarili ko ng mga panahon na iyon. Kailan ko lang din nalaman, at hindi madali para sa akin ang tanggapin iyon ng ganoon kadali."

"Naiintindihan ko na ngayon," sagot niya.

"Halika, may gusto akong ipakita sa'yo," yaya nito sa kanya.

"Ano 'yon?" tanong niya.

Hinawakan ni Adrian ang kamay niya.

"Teka, si Sky. Kanina pa nag-aalala sa'yo ang kapatid mo, pasunurin mo siya sa pupuntahan natin," sabi ni Nami.

"Sige, kailangan mo rin ng kasama mamaya," ani Adrian.

Napakunot-noo siya sa sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin?"

Imbes na sumagot ay ngumiti lang ito, saka kinuha ang cellphone at tinext ang kapatid.

"Ano? Let's go?" tanong nito.

Marahan siyang tumango. Naguluhan si Nami dahil imbes na maghanap ng sasakyan, bigla siyang niyakap ni Adrian.

"Close your eyes," sabi nito.

"Ha? Bakit?"

"Just do it," anito.

Sinunod niya ang sinabi nito. Hanggang sa may maaninag siyang liwanag.

"We're here," ani Adrian.

"Paanong—"

Pagdilat ni Nami, doon lang niya nakitang nasa ibang lugar na sila. Doon sa ibabaw ng rooftop building kung saan siya dinala ni Adrian noon.

"Paano nangyari 'yon?" tanong pa niya.

Marahan tumawa si Adrian. "Nakalimutan mo na? May powers ang boyfriend mo," sagot nito.

Napangiti siya. "Oo nga pala," aniya.

"Teka, maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Nami.

Marahan iyong tumango. Napansin niya ang lungkot sa mga mata nito.

"Are you really okay?" tanong ulit niya.

Tumango ulit ang binata, pagkatapos ay tumingin sa langit.

"Angela, I'm sorry for hurting you. Sa hindi ko agad pagsabi sa'yo ng totoo," sabi ni Adrian.

"Kalimutan na natin 'yon," sagot niya.

"I'm sorry, dahil kailangan ko ng umalis," sabi ni Adrian.

Hindi agad nakapagsalita si Nami. Kasabay ng pagbalik ng mga sinabi ni Sky sa kanya, na hindi niya pinansin kanina.

"Baka pag-alis niya, hindi na siya bumalik,"

Heaven's Warriors Series 1: Awakening the AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon