CHAPTER SEVENTEEN

1.8K 81 33
                                    


"READY KA na ba para mamaya?" tanong ni Ash sa kanya.

Marahan siyang tumango at pinilit na ngumiti. Doon sa Chef's Face ang usapan nilang dalawa ni Ash na magkikita. Mula doon, ay sasama siya sa hotel nito at magkasabay silang lilipad papunta ng Seoul, South Korea.

Simula ng maging regular customer nila ang mga ito sa Chef's Face, naging magkaibigan silang dalawa ni Ash. Kaya sa tuwing umuuwi ang buong team nito sa Pilipinas para sa schedule ng Blue Light, or kahit simpleng bakasyon lang. They make sure to see and spend time with each other. Si Ash din ang naging daan para dumating ang isang oportunidad sa kanya. Isang bagay na kaytagal din niyang pinag-isipan.

"Excited na ako sa pagpunta mo sa Seoul! I'm so sure magugustuhan mo doon," sabi ni Ash.

"Hindi ko nga alam kung dapat ba akong matuwa. Hindi ko rin alam kung tama ang ginawa ko na desisyon," sagot niya.

Hinawakan ni Ash ang kamay niya. "You'll be fine," anito.

Bumuntong-hininga si Nami, saka marahan tumango.

Napalingon siya ng tumabi sa kanya si James. "Don't worry, alalayan ka namin pagdating doon sa Seoul. Kami ang bahala sa'yo," sabi pa nito.

"Kapag wala kaming schedule, papasyalan ka namin doon sa trabaho mo," sabad naman ni Sander.

"Nakahanda ka na rin ba na iwan ang lahat ng alaala n'yo ni Adrian dito?" tanong ni Hans.

Napatingin siya sa binata. Seryoso ang mukha nito, pero may kakaiba siyang nakikita sa pagkatao nito. Nami has seen so many unusual things in her life, simula noon ay naging malakas na ang pakiramdam niya sa mga kakaibang bagay.

"Ang totoo, hindi ko alam. Ayokong umalis dahil baka isang araw ay bumalik

siya at wala ako dito. But I feel like I have to do this, for myself," sagot ni Nami.

Sa isang kisapmata ay nawala ang kakaibang naramdaman niya sa pagkatao ni Hans, nawala ang pormal na emosyon sa mukha nito at agad napalitan ng masayahin at palangiting binata. Tumabi pa ito sa kanya saka umakbay.

"Ate Nami, sigurado naman ako na kahit nasaan ka. Kung babalik si Kuya Adrian, hahanapin ka niya, at magkikita kayo," sabi pa nito.

Napangiti siya sa sinabi ni Hans. Gumaan kahit paano ang damdamin niya sa sinabi nito.

"Thanks," sagot ni Nami.

Matapos kausapin sila Ash, ang mga kasama naman niya doon sa Chef's Face ang hinarap ni Nami. Agad nangilid ang kanyang luha ng makitang umiiyak ang mga kaibigan, lalo na si Thelma, Sky at ang Manager nila. Pinilit niyang ngumiti sa harap ng mga ito.

"Kailangan mo ba talagang umalis?" umiiyak na tanong ni Thelma.

"Ayoko, pero ito ang sa tingin ko na tamang gawin," umiiyak na sagot niya.

"Mag-iingat ka doon, ha?" bilin ng Manager nila.

Niyakap niya ang dalawa. "Thank you sa lahat. Mag-chat kayo sa akin ha? O kaya video call tayo lagi," sabi pa niya.

"Mami-miss ka namin dito, pati 'yang umaapaw na alindog mo," sabi pa ni Thelma.

Natatawang lumayo siya dito.

"Ingatan n'yo si Nami doon ha? Baka mamaya mga Koreano naman ang mabighani diyan," sabi pa ng Manager nila, sabay nguso sa boobs niya.

Nauwi sa tawanan ang pag-iyak nila. Nang tumingin siya kay Sky ay nakangiti ito. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya.

Heaven's Warriors Series 1: Awakening the AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon