CHAPTER TWO

915 40 1
                                    

"EPOURANIOS..."

Nagtaka si Adrian ng bumukas ng kusa ang isang lumang gate sa harap niya. Pagpasok niya, kumabog ang kanyang puso. Napapikit niya ng lumiwanag ang paligid, nakakasilaw iyon at hindi niya kayang titigan kahit sandali lang. Mayamaya, isang tinig ang kanyang narinig mula sa loob.

"Anak..."

Napamulat siya, doon niya napansin na iba na ang paligid, napunta siya sa isang napakagandang lugar. Mahirap ipaliwanag ang klase ng ganda ng lugar iyon. Malamig pero banayad ang ihip ng hangin, at sa kanyang unahan, natanaw niya ang isang napakalaking gate na gawa sa ginto. Mula doon ay naririnig niya ang maraming tinig na kumakanta. Tila may puwersang humihila sa kanya papunta sa lugar na iyon.

"Nasaan ako? Anong lugar 'to?" tanong niya.

"Anak..."

Napalingon si Adrian. Isang anghel ang nakita niyang nakalutang sa hangin. Nakangiti ito sa kanya, mayamaya ay tumapak ang mga paa nito sa lupa.

"Sino ka?" tanong ni Adrian.

"Anak..." sa halip ay ulit nito.

"Nasaan ba ako?" tanong ulit niya.

"Malapit na ang pagbabalik mo," wika ng anghel.

"Hindi kita maintindihan," sagot niya.

Napalingon siya ng may biglang batang lumapit sa kanya at yumakap sa beywang niya.

"Bumalik ka na!" nakangiting sabi nito.

"Sandali, sino ka?" nalilitong tanong niya.

May pinakita itong prutas, na pana sa gitna niyon.

"Salamat dito ha?"

"Sa akin galing 'yan?" naguguluhan niyang tanong.

"Haniel! Halika na, laro na tayo!" tawag ng isang bata dito.

"Haniel..." bulong niya.

Pero biglang bumuka ang tinatapakan niya at tuluyan siyang nahulog.

"Haniel!" sigaw ni Adrian.

Bigla siyang napabalikwas ng bangon.

"Haniel!" sigaw niya. Paglingon ni Adrian, saka lang niya napansin na naroon siya sa loob ng opisina. Napapikit siya saka hinalamos ang palad sa mukha. It's just a dream, pero parang totoo ang lahat. Parang siyang nasa ibang mundo. Pero mas ang nakakapagtaka, payapa ang damdamin niya noong naroon siya.

"Sino si Haniel? Epouranios..." sabi niya.

Napalingon si Adrian ng biglang pumasok si Sky.

"Kuya, okay ka lang ba?" tanong nito.

Bumuntong-hininga siya. "Yeah, I just had a dream," sabi niya.

"Teka, ikukuha kita ng tubig," anang kapatid saka nagmamadali itong lumabas. Pagbalik ay dala na nito ang isang baso ng tubig at agad na binigay sa kanya.

Matapos uminom ay saka siya nahimasmasan.

"Ano bang napanaginipan mo?" tanong nito.

Heaven's Warriors Series 1: Awakening the AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon