CHAPTER THREE

890 42 16
                                    


"THANK YOU, Sir, come again!" nakangiting paalam ni Nami sa mga customers. 

Ngumiti sa kanya ang mag-asawang kumain sa Chef's Face. Mayamaya ay may lumapit sa kanyang dalawang lalaking customers. Agad niyang napansin na nakatingin ang dalawa sa dibdib niya.

"Good evening, Sir. Table for two po?" tanong niya.

"Yes please," sagot ng isa.

Agad niya itong in-assist sa mesa na pang-dalawahan lang. Pagkatapos ay agad na inabot ang menu.

"Here's the menu, Sir. One of our staffs will get your order in a while," sabi niya.

"Miss, hindi ba puwedeng ikaw na lang ang mag-serve sa amin?" tanong ng isa pang lalaki.

Ngumiti lang siya. "Naku Sir, sorry po. Receptionist po ako dito, iba po talaga ang kumukuha ng order ng mga customers," magalang niyang paliwanag.

"Ganoon ba?" anang naunang lalaki, natigilan siya ng bigla nitong ilabas ang cellphone pagkatapos ay inabot sa kanya.

"Sir? Para saan po ito?" nagtatakang tanong niya.

"Just give me your number then," sagot nito.

Pinigilan ni Nami na taasan ng kilay ang dalawa.

"Siraulong 'to ah? Porke yata sagana ko sa boobs, akala yata basta-basta ako papayag sa gusto n'ya!" inis na sabi niya sa kanyang isip.

Pinilit niyang ngumiti, kahit na ang totoo ay gusto niyang i-uppercut ang baba ng dalawang lalaking hambog na iyon.

"Ah Sir, pasensiya na po... kasi..."

Bigla siyang napaatras ng tumayo ang lalaki at lumapit sa kanya, sabay tingin sa boobs niya. Gustong sapakin agad ni Nami ang manyakis na lalaking iyon ng nag-wet lips pa habang nakatitig sa dibdib niya.

"Nami, that's your name, huh?" sabi pa nito habang nakatingin sa nameplate niya.

"So, will you give me your number?" tanong ulit ng lalaki.

Nagulat si Nami ng biglang may humablot ng cellphone ng lalaki. Pagtingin niya ay si Adrian pala iyon, napatingin siya sa kamay nito ng hawakan siya sa braso at tinago sa likod nito.

"Here's my number, Sir. If you have any complains with any of our staff. Feel free to call me," nakangiting sagot ni Adrian.

Kitang-kita niya ang pagsimangot ng dalawang lalaki.

"I'm sorry, pero 'yung number ng receptionist ang gusto kong kunin," giit ng naunang lalaki.

"With all due respect, Sir. Pero hindi po namin hinahayaan na ibigay ang kahit na anong information ng kahit na sino sa staff namin. So, if you'll excuse us," magalang na sagot ni Adrian, sabay tawag ng isang lalaking waiter.

"Paki-assist naman sila sa order nila," utos nito.

"Yes Sir," sagot agad ng waiter.

Hindi na hinayaan ni Adrian na sumagot ang kahit na sino sa dalawa. Nagulat na lang siya ng bigla siyang hilahin nito pabalik sa puwesto niya.

"Are you okay?" tanong pa nito.

"Opo, thank you po."

Bumuntong-hininga si Adrian. "Hindi ka ba hinawakan o ng dalawang iyon?"

Heaven's Warriors Series 1: Awakening the AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon