CHAPTER SEVEN

807 30 2
                                    

Hello to Rinalyn Jaramillo! Isa sa mga masugid na reader ng kuwentong ito!  😘

And to my friend, Clare Cuenca! My very first ARMY friend since I became a fan of BTS! BEKSSS! Thank you so much sa suporta! Miss ko na spazzing natin about the boys! Papogi ng papogi ang mga anak ko, mana sa ama! Nyahahahah! Lab yu! 

Dahil nasa ranked #467 ang Awakening the Angel! Here's a gift from me! 2 Chapters for you for today! Nyehehe! Happy Reading! 

-JA


MATAPOS nilang mag-dinner. Doon naman sila sa bahay niya dumiretso ni Adrian. Noong unang beses na hinatid siya nito ay hanggang sa labas lang ito, bumili lang sila ng snacks habang nanonood ng DVD. Romantic-comedy ang napili nilang panoorin, kaya kahit kinikilig siya at tumatawa rin sila dahil sa bubbly attitude ng bidang babae.

"Pareho kayo ng bidang babae," sabi ni Adrian.

Napalingon si Nami sa katabi.

"Ha? Paano mo nasabi?" tanong niya.

"Half-half, minsan matino, minsan baliw," sabi ni Adrian.

Napahiyaw ito ng kurutin niya ng mariin sa braso.

"Aray! Sorry na po!"

"Loko ka, if I know, kaya mo ako nagustuhan dahil doon," walang preno niyang sabi. Huli na para ma-realize ni Nami ang sinabi, bigla siyang napaiwas ng tumingin sa kanya si Adrian.

Tumikhim siya. "Oh bilis, nood na tayo!" biglang pag-iiba niya sa usapan.

"It's true," ani Adrian.

"Ha?" usal niya, sabay lingon muli dito.

"Ang sabi ko, totoo 'yon. It was because of your bubbly attitude that's why I like you. I mean, isa lang 'yon sa iba pang dahilan," sagot nito.

"Kahit alam mo ang nakaraan ko?"

"Nami, nakalipas na iyon. All I care is the woman in front of me right now, not the old you," walang gatol na sagot nito.

Napangiti siya, saka binalik ang tingin sa TV. "Ganito pala feeling, no?" sabi niya.

"Ng ano?"

"Iyong may nagkakagusto sa'yo," sagot niya.

Natawa si Adrian.

"Hindi ako maniniwala kapag sinabi mo sa akin na ngayon lang may nagkagusto sa'yo. Hindi iyon ang nakita ko sa restaurant," ani Adrian.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.

"Hindi mo ba alam? Bukod doon sa dalawang insidente na hinarass ka ng customers. Sinasabi sa akin nila Thelma na madalas daw may mga nagtatanong ng pangalan mo," sagot nito.

"Talaga? Wow ah, alindog level ninety-nine percent," sabi niya, sabay hawi ng buhok.

Natawa ulit ang binata.

"Eh kasi nga, dahil man-hater ako. Kapag nalalaman ko na may gusto sa akin ang lalaki. Hindi pa man nakaka-one step closer sa akin, barado ko na agad, tapos naiinis ako. Ganoon palagi ang reaksiyon ko," sagot niya.

"Ngayon ko lang naranasan na gusto ko rin 'yong lalaking nagkakagusto sa akin," dugtong niya sa isip.

Napakunot-noo siya ng biglang mapangiti si Adrian, pagkatapos ay umiling.

Heaven's Warriors Series 1: Awakening the AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon