CHAPTER THIRTEEN

706 24 0
                                    

          NAALIMPUNGATAN si Adrian, matapos siyang magising ng wala sa tabi niya si Nami. Paglingon niya ay wala ito doon sa kuwarto, napangiti siya ng maramdam niya ang malakas na presensiya ng dalaga. Mula doon sa loob ng kuwarto bigla siyang sumulpot sa likuran nito. Napangiti si Adrian ng makitang isang mahabang t-shirt ang suot niya ang suot at napaka-igsing shorts.

"Good Morning," bigla niyang bulong kay Nami.

"Ay kabayong nanigas!" gulat na bulalas nito.

Napahagalpak ng tawa si Adrian. Bigla itong humarap sabay hampas ng malakas sa braso niya.

"Nakakainis ka naman eh! Huwag ka nga bigla sumusulpot sa likod ko!" singhal nito sa kanya.

"Oh, sorry na, sorry na," natatawa pa rin na sagot niya, saka ito niyakap mula sa likod.

"Mabuti naman at nagising ka na. Akala ko, tatawag na ako ng mga kasama mong anghel eh," sabi ni Nami.

Napakunot-noo siya. "Bakit?" tanong niya.

Iningusan siya nito. "Tatlong araw ka kayang tulog," sagot nito.

"Ha?! Talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo kaya, panay check ko nga sa puso mo baka mamaya wala ng heartbeat," sabi pa ni Nami.

"Hindi ba uso tulog doon sa langit?" tanong pa nito.

"Minsan. Pero madalas hindi, hindi ka naman kasi mapapagod doon. Wala, masaya lang. Magaan."

"Buti naisipan mo pang bumalik dito."

"Of course, dahil iyon naman talaga ang pangako ko sa'yo di ba?"

"Noong natutulog ka, halos hindi ako umalis sa tabi mo. Tinitingnan lang kita, baka kasi bigla ka na naman mawala eh, saka baka panaginip lang lahat ng ito," sagot ni Nami.

"Alam mo na totoo lahat ng ito," aniya.

Ngumiti ang dalaga. "I know, that's why I am so happy."

Nang may maalala ay bigla niyang nilayo ito at tiningnan ang suot nito.

"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong pa niya.

"Bakit? Pangit ba?"

"Hindi, masyado lang sexy."

"Ano gusto mo? Mag-jogging pants, at long sleeves ako?" pilosopong tanong nito.

Napabuntong-hininga din siya ng makitang wala itong suot na bra. Napansin ni Nami na nakatingin siya sa dibdib nito.

"Inaakit mo ba ako?" direktang tanong niya.

"Excuse me, hindi ah! Mainit kaya hindi ako nag-bra," sagot nito.

"Oo, inaakit kita! Kaso wala, kulang ng fifteen percent alindog ng boobs ko sa'yo! Hanggang hawak ka lang, kainis!" narinig niyang maktol ni Nami.

Natawa si Adrian.

"O anong nakakatawa?" nagtatakang tanong nito.

"You, you're such a very naughty girl! I heard what you said in your mind, nakalimutan mo na yatang naririnig ko ang lahat ng sinasabi mo sa isip mo. Wala kang maitatago sa akin," sagot niya.

Natutop ni Nami ang bibig. "Omg, shocks!" tili nito, sabay takbo palayo sa kanya.

Bago pa ito makapasok sa loob ng kuwarto ay bigla siyang sumulpot sa daraanan nito. Nang hindi niya paraanin ay agad itong tumakbo sa sofa at dumapa

Heaven's Warriors Series 1: Awakening the AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon