"NAMI, ikaw na muna ang bahala kay Kuya ha? Kung ako kasi ang pupunta, walang magsu-supervise dito sa Chef's Face," sabi ni Sky sa kabilang phone.
"Sige, ako ng bahala. Thanks Sky," aniya.
Nagmadali sa pagligo si Nami, pagkatapos ay agad na nagbihis. Hindi na niya nakuha pang mag-make up. Agad na siya umalis pagkatapos at pumunta sa bahay ni Adrian. Ayon kay Sky, may sakit ang binata at walang mag-aasikaso dito. Dahil kailangan ang una sa restaurant, siya ang pinakiusapan nito na pumunta kay Adrian. Habang sakay ng taxi, sinubukan ni Nami na tawagan ang binata, pero hindi nito sinasagot ang tawag niya.
Ang totoo, kagabi pa siya nag-aalala dito. Bago umalis ang grupong Blue Light, nakita ni Nami na kinausap ng isa sa miyembro nito si Adrian. Matapos iyon, kapansin-pansin na natahimik ito buong gabi, umuwi nga ito ng hindi man lang nagpapaalam sa kanila. Adrian seems a bit lost last night, kaya naman hindi niya maiwasan isipin kung ano ang napag-usapan ng dalawa. Wala pang isang oras ay nakarating na siya sa condominium building kung saan nakatira ang binata.
"Adrian!" tawag niya habang kumakatok sa pinto.
Nakailang beses na siyang katok pero hindi pa rin nito binubuksan iyon. Nang subukan niyang tawagan ulit ang binata ay hindi pa rin sinasagot ang kanyang tawag.
"Adrian!" sigaw niya sabay katok ulit.
Biglang napapitlag si Nami ng mula sa labas ay marinig niya ang malakas na sigaw ni Adrian.
"Adrian!"
A LIGHT IS coming from his heart. Iyon ang sumunod na nangyari matapos ang muling matinding pagsakit sa kanyang dibdib. Nang tumingin siya sa salamin, parang namamalikmata si Adrian sa nakita, he saw his own face is cracking, and a small light comes out. Nang ipikit niya ang mga mata, at muling idilat. Normal na ulit
ang mukha niya, wala na ang crack na nauna niyang nakita. Biglang bumalik sa alaala ni Adrian ang nangyari kagabi. Bago umalis ang special guests nila sa restaurant, kinausap siya ni Hans.
"Do you feel better now, Chef?" tanong ni Hans.
"Paano mo nalaman masama ang pakiramdam ko?" tanong din niya.
"Nakita kita mula sa labas, nasilip kita sa blinds," sagot nito.
Napalingon siya sa curtain blinds, it is barely open. Kung mayroon man uwang doon ay napakaliit lamang, impossibleng makita siya doon ni Hans.
"Sino ka ba talaga? Nararamdaman ko, parang matagal na kitang kilala."
Umangat ang isang sulok ng labi ni Hans.
"Sa maniwala ka at hindi, wala akong maisasagot sa tanong mo. Bukod sa member ako ng Blue Light, iyon lang. I have no memories of my childhood, kaya kahit ako hindi ko kilala ang sarili ko. Basta ang alam ko, I am special, I am different. Gaya mo," sagot nito.
Hindi siya agad nakakibo matapos marinig ang sinabi nito. Pareho silang walang maalala mula sa nakaraan.
"Paano mo nalaman?" tanong niya.
Ngumiti lang ito, pagkatapos ay kinuha ang cutter sa ibabaw ng table niya. Nagtaka si Adrian ng kunin nito ang braso, ngunit hindi niya inasahan ang susunod na gagawin nito. He suddenly cut him on his palm.
"What the..."
Pagkatapos sunod nitong sinugatan ay ang sariling braso. Gaya ni Adrian, agad na naghilom ang sugat nito.
BINABASA MO ANG
Heaven's Warriors Series 1: Awakening the Angel
Fantasy(SOON TO BE PUBLISH ON PRECIOUS HEARTS ROMANCES) Teaser: Kung ganda din lang ang pag-uusapan, agad na itataas ni Nami ang dalawang kamay. Kung katawan din lang labanan, siguradong kulelat na ang iba. Ang mga 'yan ang katangian niyang ginagamit para...