(1) #MPIS3OfficiallyEngaged

1.8K 84 0
                                    

DANIELLE'S POV

(A/N: This is the continuation of proposal between William and Danielle.)


"Will you marry me?" tanong sakin ni William. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na sagutin siya.


"No. I won't marry you." sagot ko sa kanya.


Syempre joke lang yun. Hindi yun ang sinagot ko sa kanya. Ito ang sinagot ko.


"Yes, I will marry you." with feelings kong sabi. Niyakap naman ako ni William. Pagkatapos ay sinuot niya sakin ang singsing. 


Nagpalakpakan naman ang mga customer dito sa restaurant ko.


"I love you wife." sabi sakin ni William.


"I love you too hub." tugon ko naman sa kanya. Tapos ay hinalikan niya ako sa labi.


📌

"Saan mo ba ako dadalhin, hub?" clueless kong tanong sa kanya.


"Maghintay ka lang, wife. Kaya nga may piring ka para hindi mo malaman kung saan tayo pupunta. It's a surprise." sagot sakin ni William. Hindi na lang ako nagsalita at sumunod na lang ako sa kanya.


Ilang minuto ang nakalipas ay tumigil na kami. Naramdaman ko ang pagtanggal ng piring sa mata ko. 


Nang matanggal na ito ay napanganga ako sa mangha dahil sa nakita ko.


"Do you like it, wife?" tanong sakin ni William. Napatango naman ako habang nakatingin sa langit. Ang ganda! Ang daming naglulutangang sky lanterns sa langit. Mas maganda siyang tignan ngayon dahil gabi na.


"Wife, come here. I have something to show you." sabi sakin ni William at naglakad siya. Sumunod naman ako sa kanya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang mesa na kung saan ay may nakahandang mga pinggan at may pink na kandila sa gitna. Mayroon ding dalawang waiters na nagbabantay d'on.


"Teka lang hub, nasaan pala tayo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.


"We're here at the rooftop of my company." sagot niya sakin. Waaaa! Kaya pala wala akong nakikitang mga bahay o gusali rito.


"Good evening Ma'am and Sir." bati samin ng dalawang waiters.


"Good evening din po." bati ko naman sa kanila. Inalayan ako ni William na umupo sa silya. Ang mga waiters naman ay nag-serve ng mga foods dito sa mesa.


"Thank you." nakangiting sabi ni William sa mga waiters. Nag-bow naman ang dalawang waiters at umalis na sila. 


Habang kumakain kami ay biglang nagtanong sakin si William.


"Anong petsa ang gusto mo para sa kasal natin?" - William


Napa-isip naman ako sa tanong niya. Hmmm! Anong date kaya?


"Sa tingin ko ay sa valentines para mas romantic." suggestion ko kay William. Yun kasi ang pumasok sa isip ko eh.


"If that's what you want, why not?" nakangiting sabi sakin ni William. Pero kung sa valentines pa ang kasal namin, ilang buwan pa ang hihintayin namin para magpakasal.

**********

**********

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Prince Is Masungit (Book 3): Life After Marriage With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon