(22) #MPIS3TheLegalWife

1K 76 0
                                    

DANIELLE'S POV

Ang haggard ng araw na 'to. Ang dami kasing customer dito sa restaurant. Mukhang hindi ko madadalhan ng lunch si William ngayon.


"Egg Pasta with Lobster, Special Lomi Chicken with Hard-boiled Egg and a bottle of wine for drinks." narinig kong sabi ni Chef Aldren.


"Double time tayo mga chefs dahil marami tayong customers. Pero siguraduhin pa rin nating maayos ang trabaho natin." sabi ko sa mga chefs.


"Yes Chef Danielle." tugon sakin ng mga chefs na para silang mga sundalo.


*kriiiinnnngggggggg!*



Hub

calling...



Si William, tumatawag.


"H-hello hub." panimula ko nang sinagot ko ang tawag niya.


("Wife, I'm hungry. Where's my lunch?") tanong sakin ni William. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.


"Ahm! Hub kasi..."


"Chef Danielle, luto na ang Adobong Itlog na niluluto niyo."


Hindi natuloy ang pagsasalita ko nang sumingit si Chef Aldren.


("Who's that guy?") narinig kong tanong ni William.


"Tatawagan na lang kita hub. Maluluto na kasi ang lunch mo." pagsisinungaling ko kay William at binaba ko na ang cellphone ko. Sa totoo lang ay hindi ko pa niluluto ang lunch niya dahil sa dami ng customer.


"Pasensiya na Chef Danielle kung naistorbo kita. Kausap mo pala ang asawa mo." sabi sakin ni Chef Aldren sabay bow.


"It's okay Chef Aldren." tugon ko sa kanya.


"Dalhan mo na ng lunch ang asawa mo Chef Danielle. Ako na ang bahala rito." sabi sakin ni Chef Aldren.


"Sigurado ka?" tanong ko sa kanya. Nakangiting tumango si Chef Aldren.


"Waaaaa! Thank you so much Chef Aldren. The best ka talaga." sabi ko kay Chef Aldren at hindi ko mapigilang yakapin siya sa tuwa.


NIKKI'S POV

Nakangiting lumabas ako mula sa office ni William. Hindi kasi dumating ang jologs niyang asawa kaya ang niluto kong lunch ang kinain niya. Pero sayang lang dahil walang gayuma ang kinakain niya. Isang gamit lang kasi ang ginawa kong gayuma at mahirap pang maghanap ng mga sangkap nito. Wala rin palang kwenta ang pinamana saking libro ni Lola.


"HAYOP KANG MALANDI KA!"


Nagulat ako nang may humila sa buhok ko.


"ARAYYY! BITAWAN MO ANG BUHOK KO!" sigaw ko sa humila sa buhok ko.


"HALIPAROT KANG BABAE KA! MAY ASAWA NA NGA ANG TAO PERO PINAPATULAN MO PA! ITO ANG NABABAGAY SA'YO BABAE KA!" sigaw niya sakin at sinabunutan niya ako. Hindi naman ako nagpatalo at sinabunutan ko rin siya. Hindi ko nga 'to kilala eh pero makasabunot wagas.


"Wife, tama na yan." narinig kong sabi ng isang pamilyar na lalake at inilayo niya sakin ang babae. Napatingin naman ako sa sumabunot sakin at napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang lalakeng pumigil sa kanya.


It was Rey. Ang matandang panot na secret lover ko.


"ANG KAPAL NG MUKHA MONG LANDIIN ANG ASAWA KO!" sigaw sakin ng babae na sa tingin ko ay asawa ng matandang panot na yan. Eww! Bagay sila. Parehong panget.


"HOY IKAW MATANDANG BABAE KA! WALA KANG KARAPATANG SABUNUTAN AT SIGAWAN ANG ISANG REYNANG TULAD KO!" sigaw ko naman sa asawa ng matandang panot na si Rey.


"ABA'T TARANTADO KANG BABAE KA!" sigaw niya at sinabunutan na naman niya ako. Syempre hindi naman ako nagpatalo. Sanay na akong manabunot ng mga babae dahil ito ang hobby ko.


"ITO ANG BAGAY SA'YO MALANDI KA!" sigaw ulit sakin ng asawa ni Rey habang sinasabunutan ko siya.


"BAGAY DIN 'TO SA'YO DAHIL MUKHA KANG LOSYANG!" sigaw ko naman sa kanya at mas tinodo ko pa ang pagsabunot sa kanya.


"WHAT THE HELL IS HAPPENING AT MY COMPANY!" narinig kong sigaw ni William kaya napatigil kami ng babaeng sumasabunot sakin.


"Waaaa! William, that crazy woman pulled my hair without any reason." naiiyak kong sabi at lumapit ako kay William. Tapos ay niyakap ko siya. Sinandal ko pa ang ulo ko sa dibdib niya. Gosh! Ang hard ng chest niya.


"Sinungaling kang babae ka. Nilalandi mo ang asawa ko. Mayroon akong hawak na ebidensiya na magpapatunay na haliparot ka talaga." galit na sabi sakin ng babae at may inabot siyang envelope sakin. Kukunin ko na sana ito nang maunahan ako ni William. Tinignan niya ang laman ng envelope.


Ano kaya ang laman ng envelope?

**********

My Prince Is Masungit (Book 3): Life After Marriage With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon