Kanina pa ako pagulong-gulong dito sa kama ko. Inaalala ko kung paano ko hiniwalayan si William. Hindi ko talaga maalala. Inuntog ko na nga ang ulo sa pader tapos pinukpok ko pa ng martilyo ang ulo ko pero hindi ko pa rin maalala.
*boogsh*
Nabigla naman ako nang marinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto.
"D@mn it!" biglang sigaw ni Basti.
"B-basti, may problema ba?" takot kong tanong kay Basti. Hindi siya sumagot at basta-basta na lang niya binuksan ang closet tapos ay inilabas niya ang mga kasuotan namin d'on.
"A-anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.
"Babalik tayo sa Pilipinas. Ninakaw ng William na yun ang pinakamayamang investor ko sa kumpanya." seryosong sagot niya sakin at inilagay na niya sa maleta ang mga gamit namin. Napalunok naman ako sa sinagot niya.
"Makakatikim talaga sakin yang William na yan. Hindi niya kilala kung sino ang binabangga niya." galit na sabi ni Basti kaya mas lalo pa akong natakot.
"T-teka, isang investor lang naman yun Basti." pagpapakalma ko kay Basti.
"Isang investor lang? Hindi yun basta-basta investor lang! Mas mayaman ang nawalang investor ko kaysa sakin! Malaki ang epekto nito sa kumpanya ko!" galit na sabi ni Basti. Hindi na ako umimik pa dahil sa takot.
📌
Sumakay kami ni Basti sa isang private helicopter para makarating sa Pilipinas.
"T-teka, bakit dito tayo sumakay sa helicopter imbes sa eroplano." tanong ko kay Basti.
"Wala na tayong oras pa para maghintay ng flight. Kailangan nating makarating sa Pilipinas as soon as possible." sagot niya sakin. Tumango lang ako sa sinagot niya. Pero kahit ganun pa man ay sobrang saya ko dahil makakabalik na ako sa wakas sa Pilipinas. Makikita ko na rin ang pamilya ko pati na rin ang mga kaibigan ko. I miss them so much lalo na siya.
I'm glad to be back.
**********
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.