(36) #MPIS3TheFinalChapter

1K 76 0
                                    

DANIELLE'S POV

"William! Wag mo akong iiwan." naiiyak kong sabi sa kanya. Ngumiti naman sakin si William.


"Mahal na mahal pa rin kita Danielle kahit na mawala na ako sa buhay mo. Ikaw lang babaeng mamahalin ko habangbuhay." sabi sakin ni William at unti-unti niyang pinikit ang mga mata niya.


"WAAAAGGGGG!" sigaw ko nang maipikit na niya ang mga mata niya. He's gone. 


He's gone forever.


Halos magdilim na ang paningin ko.


📌

"William, wag mo akong iiwan."


"Wife!" narinig kong sabi ng isang pamilyar. Teka, si William yun hah.


Inimulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mukha ni William na alalang-alala sakin.


Pero napalitan ito ng kasiyahan.


"Gising na si Danielle. Tumawag kayo ng Doctor." sabi ni William kina...


Teka, bakit nandito sila? Nasaan ako? At paano kami napunta rito?


"Gising ka na mahal ko." sabi sakin ni William na naiiyak na sa tuwa.


"W-william." mahina kong tawag sa kanya.


"Mommy!" narinig kong tawag sakin ni Will at bigla niya akong niyakap sa paa.


"A-aray!" hirap kong sigaw nang makaramdam ako ng kirot sa paa ko.


"Will, nasasaktan ang Mommy mo." narinig kong sabi ni Kisses at inilayo niya sakin si Will.


"N-nasaan ako?" tanong ko sa kanila.


"Nasa hospital ka ngayon wife. Nabangga kasi ang sinasakyan niyong kotse sa isang 10-wheeler truck at kasama mo noon sina Basti at Nikki kaya nandito ka." sagot sakin ni William. Inalala ko ang pangyayari. 


Tama, papunta na sana ako ngayon sa restaurant ko pero wala akong mahanap na masasakyan. Biglang sumulpot sa harap ko si Basti at sinabi niyang ihahatid niya ako tapos pumayag ako. Pero nang makasakay na ako sa kotse niya ay bigla siyang nag-iba ng direksyon hanggang sa biglang sumulpot mula sa likod ko si Nikki. Tapos tinakpan niya ang bibig at ilong ko gamit ang panyo at nakalanghap ako ng nakakahilong amoy hanggang sa mawalan ako ng malay.


"N-nasaan sina Nikki at Basti?" tanong ko kay William. Na-curious kasi ako kung ano ang nangyari sa kanila.


"They're dead on arrival. Nang maidala sila rito ng ambulansiya ay wala na silang buhay." sagot niya sakin. Napatango naman ako.


Pero teka, hindi totoong iniwan ko si William? It means panaginip lang ang lahat ng yun? And it means hindi talaga totoong nakita ko sa personal ang crush kong si Yoo Seung-ho sa Korea. Sayang naman.


Pero masaya akong panaginip lang ang lahat ng yun. Nakahinga ako bigla nang maluwag d'on.


- ONE WEEK LATER -

At last, nakalabas na rin ako sa hospital. Amoy na amoy ko ngayon ang sariwa ng hangin.


"Saan mo gustong kumain wife? Sa Jollibee o sa McDo?" tanong sakin ni William.


"Sa Jollibee na lang. Para kasi sa mga broken-hearted ang McDo." sagot ko sa kanya na ikinatawa niya.


"Hahahaha! Okay, sa Jollibee tayo." sabi sakin ni William. 


Sa ngayon ay masaya kami ni William at alam kong maraming pagsubok ang darating samin. Pero magkasama namin itong haharapin bilang mag-asawa.


Hanggang dito na lamang,


Danielle


MMK lang ang peg. Hahaha! ✌


- THE END -

**********

Up next is Epilouge.

Up next is Epilouge

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Prince Is Masungit (Book 3): Life After Marriage With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon