(18) #MPIS3TheAntagonist

1K 75 0
                                    

NIKKI'S POV

Punyetang babaeng yan! Dahil sa kanya ay hindi niya kinain ang prinepare kong lunch para sa future husband kong si William. Kaya pala pamilyar siya sakin. Siya pala ang babaeng umagaw sa soon-to-be-husband ko.


Noong unang pasok ko pa lang dito, I met William. Na-love at first sight agad ako sa kanya dahil sa angking kagwapuhan niya. At nalaman ko ring CEO at Owner siya ng kumpanyang ito. It means mayaman siya at maraming pera. Kaya mas lalo ko siyang nagustuhan.


Pero nang malaman kong may fiancée na pala si William. Parang nanghinayang ako at nainis. Pakiramdam ko ay inagawan ako. Sa isip ko, hindi ako papayag na mapupunta lang sa iba si William dahil akin lang siya. 


Ginawa ko ang lahat para mapasakin lang si William. Inakit ko siya sa pamamagitan ng pagpapaganda sa harap niya at pagsusuot ng mga seksing damit. Pero hindi ito tumalab sa kanya. Ewan ko nga kung bakit eh. Maganda at sexy na nga ako pero hindi pa rin siya naaakit sakin. Lahat ng lalake rito sa kumpanya ay natutulala talaga sa kagandahan at kaseksihan ko maliban lang sa kanya. Pero hindi ko sila pinapansin dahil mukha silang mga jologs at higit sa lahat ay mga poorita sila.


Isang araw noon, nakapasok ako sa opisina ng future hubby ko. Wala siya noon dahil nasa meeting siya. Tumingin ako sa mga gamit niya sa table and then I saw a picture of a girl na hindi masyadong kagandahan. Biglang pumasok ang secretary and I ask him kung sino 'tong babaeng 'to. Nang malaman kong fiancée niya ito. Halos sumabog na ang ulo ko sa galit at hindi ako makapaniwalang mas maganda at mas seksi pa ako sa fiancée niya. My ghad! Ganyan ba ang mga tipo ni William? Mga jologs? Mas maganda at mas seksi naman ako sa fiancée niya hah. At higit sa lahat ay mas magaling ako sa kama. Tapos sa isang jologs pa siya nagkagusto? At nalaman ko pang mag-asawa na sila ngayon. Sa tingin niyo matutuwa ako d'on? Syempre hindi dahil hindi sila bagay. Mas bagay kami ni William. Hindi ako papayag na mapupunta lang si William sa isang jologs na babae.


*kriiiiiinnnngggg!*


Biglang tumunog ang mamahaling i-phone ko. Kinuha ko ito sa mamahaling purse ko at tinignan ang screen kung sino ang tumatawag.



Rey

calling...



My ghad! Ano na naman ba ang kailangan ng matandang panot na 'to?


Sinagot ko ang tawag.


"Hello baby boy." sweet kong bati kay Rey kahit sukang-suka na ako. Yuck! Nakakasuka siyang tawaging baby boy lalo na't 69 years old na siya at malaki pa ang tiyan niya. Pasalamat siya at may kailangan pa ako sa kanya. Kung wala, matagal ko na 'tong pina-good job. At siya rin ang dahilan kung bakit nakilala ko si William my future husband kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya.


("Are you free tonight baby girl?") malambing na tanong sakin ni Rey. Gusto ko sanang sabihing busy ako pero baka ma-disappoint siya sakin. Baka hindi ko tuloy makuha ang mga ari-arian niya.


"I'm always free baby boy." malanding sagot ko sa kanya.


("Good. Magkita tayo mamayang 8 PM sa Dyosa's Hotel. Wala mamaya ang asawa ko kaya may time tayong mag-enjoy.") sabi sakin ni Rey.


"Oh! I like that." tugon ko sa kanya. Enjoy your face matandang panot.


Matagal ko nang karelasyon si Rey nang palihim. May asawa kasi siya at mga anak. Hindi ko siya kayang tanggihan hindi lang dahil sa ari-arian niya, dahil baka ibuking niya ako oras na tumanggi ako sa kanya. Lingid sa kaalaman niya ay may gusto ako kay William Crawford. At kapag mapangasawa ko na si William ay pwede ko na siyang burahin sa mundong ito. Dahil mas bata, mas gwapo, mas mabango, mas yummy, at higit sa lahat ay mas mayaman si William kaysa sa kanya. Kapag mapangasawa ko si William, mas jackpot ako sa kanya kaysa kay Rey. Sa ngayon ay kailangan ko munang magtiis sa matandang panot na 'to habang hindi ko pa nakukuha ang gusto ko.


You will be mine soon William Crawford.

**********

My Prince Is Masungit (Book 3): Life After Marriage With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon