(35) #MPIS3TheBloodyFinale

1K 76 0
                                    

DANIELLE'S POV

Teka, nasaan ako?


Bakit nakatali ako?


Bakit may tape ang bibig ko?


"Hmmmmmm!"


Hirap na hirap akong sumigaw dahil sa tape sa aking bibig. Paano ako napunta rito?


"Kahit anong sigaw mo pa diyan malandi ka ay walang makakarinig sa'yo." narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Teka, kilala ko 'to hah.


Napatingin ako bigla sa nagsalita.


Sinasabi ko na nga ba eh.


Si Nikki. Ang babaeng kinaiinisan ko.


"Hmmmmmmmm!" hirap kong sigaw habang nakatingin ng masama sa kanya.


"Hahahahahahaha! Poor Danielle. Wala man lang tumutulong sa'yo." sabi sakin ni Nikki habang umaarte siyang malungkot na mas lalo ko pang ikinainis. Ang kapal ng mukha niyang sabihin yan sakin. Kapag ako makawala rito sasakalin ko siya.


"Well it's been two years Danielle. Akala ko magiging masaya na ako nang mawala ka sa piling ni William. Ngunit nagkamali ako, kahit wala ka na sa tabi niya ay ikaw pa rin ang hinahanap-hanap niya. Ikaw pa rin ang mahal niya. Pesteng pag-ibig na yan! Dahil sa pag-ibig ay hindi ko nakukuha ang gusto ko! Kung sino man ang nagpa-uso niyan ay isusumpa kong mapupunta siya sa impyerno!" galit na sabi ni Nikki. Ang sama niya. Wala siyang puso.


"Kung ganito lang naman ang mangyayari. Pwes, papatayin na lang namin kayong dalawa. Sa tingin niyo ba papayag kaming kayo lang ang may happy ending? No no no no. It's better that you two will die para walang happy ending. Hahahahaha!" dagdag pa ni Nikki sabay tawa na parang isang mangkukulam.


"Hmmmmmm! Hmmmm-HAYOP KANG BABAE KA! KAPAG AKO MAKAWALA RITO! SASAKALIN KITA!" sigaw ko sa kanya at natanggal ko yung tape sa bibig ko dahil sa kakasigaw.


"Eh yun kung makakawala ka pa ng buhay. Pero bago muna kita patayin ay may sorpresa ako sa'yo. I'm sure that this will break your heart." sabi sakin ni Nikki.


At bigla akong naiyak sa nakita ko.


Si William.


Halos hindi ko na siya makilala dahil sa mga sugat at pasa niya sa mukha. Halos hindi na siya makabangon mula sa sahig.


"Ano my queen? Mahal mo pa rin ba siya kahit ganito na ang itsura niya? Hahahahaha!" tanong sakin ni Basti at tumawa siya na parang demonyo.


"MGA HAYOP KAYO! PAANO NIYO 'TO NAGAWA SAMIN? ANO BA ANG NAGAWA NAMING KASALANAN SA INYO? ANG SASAMA NINYO!" sigaw ko kina Nikki at Basti.


"Anong kasalanan niyo samin? Ito ang kasalanan mo sakin Danielle. Dahil sa'yo ay hindi napasakin si William. Dahil sa'yo ay hindi ako buhay reyna ngayon. Ano bang meron ka at nagustuhan ka niya? Ang pangit mo naman at hindi sexy. Samantalang ako, maganda at sexy na nga, magaling pa sa kama. Pero kahit anong pagpapapansin ko kay William, kahit na nakasuot ako ng seksing damit sa harap niya ay hindi pa rin niya ako nagustuhan. Tapos ikaw na jologs, magugustuhan niya? Sa tingin mo ba matutuwa ako d'on? Hindi!" pagpapaliwanag sakin ni Nikki. Ang landi talaga niya.


"Walang kasalanan sakin si William. Pero lagi siyang pabida kasama ang mga kaibigan niya na ikinainis ko. Pero mas lalo akong nainis sa kanya dahil inagaw niya sakin hindi lang ang kasikatan ko, pati na rin ang babaeng mahal ko. At ikaw yun Danielle. Pero ngayon ay galit na ang nararamdaman ko sa'yo at hindi na pagmamahal dahil trinaydor mo ako. Akala mo ba hindi ko alam na nagkita kayo ni William sa Dyosa's Cafe noong gabing kakarating lang natin dito sa Pilipinas? Nagkakamali ka. Hinayaan lang kitang magsinungaling dahil may plano kami ni Nikki para sa inyo." pagpapaliwanag naman sakin ni Basti.


"Ang bababaw ng dahilan niyo! Nagawa niyo 'to samin dahil lang diyan?" galit na tanong ko sa kanila.


"Kung sa'yo mababaw lang yun, pwes samin hindi. Naghirap kami para lang sa wala at yun ay dahil sa inyo. Ngayon na ang araw ng katapusan ninyo. Ikaw muna ang mauuna malanding babae ka." sabi ni Nikki sabay tutok ng baril sakin.


"WAAAAAAAAAAAAGGGGG!"


Nagulat ako nang biglang tumakbo papalapit sakin si William at niyakap niya ako. Kasabay n'on ang pagputok ng baril.


*bang*


Halos hindi ako makagalaw nang marinig ko ang putok ng baril. 


*dug dug*


*dug dug*


*dug dug*


Biglang lumuwag ang pagkakayakap sakin ni William at unti-unti siyang napahiga sa sahig.


"WILLIAM!" sigaw na tawag ko sa kanya nang may nakita akong dugo mula sa bibig niya.

**********

Up next is the last chapter.

My Prince Is Masungit (Book 3): Life After Marriage With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon