(3) #MPIS3BookSigning

1.1K 79 0
                                    

ELENA'S POV

Geez! Ang sakit na ng kamay ko sa kaka-sign ng mga books. 


Pero sobrang saya ko dahil maraming bumili, natuwa at na-inspired sa ginawa kong libro. Dinaig ko pa si Author Dyosa. Hahaha!


Simula nang humingi kami ng tawad ni Jameshin kina Danielle three years ago ay nagbago na talaga kaming dalawa.


"Ang ganda talaga ng bago niyong book idol. Nakaka-relate ako." masayang sabi sakin ng babae.


"Thanks." nakangiting tugon ko sa babae at nilagyan ko ng signature ang book niya. Ang book na ginawa ko ay isang novel entitled 'Life With Elena (Book 3)'. This is the third book of my story. Ang Book 1 at Book 2 ng 'Life With Elena' ay successful dahil naging No. 1 best seller ito sa National Bookstore at lagi itong na-a-out of stock.


"Idol, picture tayo." sabi sakin ng babae at inangat niya ang monopod niya na may cellphone. Tumingin ako sa camera ng cellphone ng babae at nag-peace sign with smile. Ngumiti naman ang babae sa camera ng cellphone niya at nag-take ng pictures kasama ako.


"Thanks idol." sabi sakin ng babae at umalis na siya. Gan'on din ang ginawa ng iba. Nagpa-sign sila ng book sakin at nag-take ng picture kasama ako. 


Nang matapos ang Book Signing ay agad akong pumunta sa parking area para puntahan si Jameshin na kanina pang naghihintay sakin sa loob ng kotse niya.


"Pasensiya na Jameshin kung sobrang natagalan ang Book Signing." sabi ko sa kanya nang makarating ako sa parking area. Masasabi kong sobrang natagalan dahil kaninang umaga pa siya naghihintay sakin at gabi nang natapos ang Book Signing. Sana hindi siya na-bored sa loob ng kotse niya.


"Ayos lang yun Elena. Nga pala, binilhan kita ng burger at tubig." nakangiting sabi sakin ni Jameshin sabay abot sakin ng pagkain. Kinuha ko naman ito sa kanya at kinain ko ito. Napakabait at napaka-supportive talaga sakin ni Jameshin. Kahit saan ako magpunta ay nand'on siya para tulungan at suportahan ako. Feeling ko nga ay siya ang personal assistant ko/driver ko/maid ko/taga-cheer sakin/tagabili ng pagkain ko/kaibigan ko at kung ano-ano pa. Kulang na lang ay maging asawa ko na siya. Hihihihi! Kinikilig ako.


"May pupuntahan ka pa ba Elena?" narinig kong tanong ni Jameshin.


"Oo." wala sa sarili kong sagot sa kanya dahil sa pagkain.


"Saan?" narinig kong tanong niya.


"Sa puso mo." wala sa sarili ko na namang sagot kay Jameshin.


"Ha?" nagtatakang sabi ni Jameshin. Natauhan ako bigla at d'on pumasok sa isip ko ang huling sinabi ko kay Jameshin.


"Ah w-wala yun. Ang s-sabi ko ay i-iuwi mo na ako." nauutal kong sabi sa kanya. Waaaaa! Sana hindi niya naintindihan ang banat—este ang sinagot ko sa kanya.


"Okay." nakangiting tugon niya sakin. Nakahinga naman ako ng maluwag d'on. Buti naman at nalusutan ko siya.


JAMESHIN'S POV

Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinagot sakin ni Elena kanina.


"Sa puso mo."


"Sa puso mo."


"Sa puso mo."


"Sa puso mo."


Sh!t! Sa tingin ko ay bakla na ako dahil kinikilig ako na parang isang babae.


"Jameshin, stop. Nalampasan mo na ang mansyon namin." narinig kong sabi ni Elena. Natauhan naman ako at inatras ko ang kotse ko hanggang sa tumapat ito sa mansyon nina Elena.


"Pasensiya na. Nawala ako sa sarili ko." sabi ko sa kanya.


"It's alright Jameshin. Be focus on driving next time dahil baka mabangga ka o tayo." - Elena


Tumango naman ako sa sinabi ni Elena.


"Teka, bakit ka nawala sa sarili mo? Siguro iniisip mo ako noh. Ayieeee!" pang-aasar sakin ni Elena. Nginitian ko lang siya.

**********

My Prince Is Masungit (Book 3): Life After Marriage With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon