(33) #MPIS3NightVisit

1K 78 0
                                    

DANIELLE'S POV

Nang makarating na ako sa hotel na tinutuluyan namin ni Basti ay hindi ko pa rin mapigilang mapangiti. Okay na kami ngayon ni William. Tapos nalaman ko ring wala silang relasyon ni Nikki. Yung mga nakikita ko raw na post ni Nikki na naka-tag sa kanya ay hindi raw yun totoo. Nikki is just self-proclaiming na may relasyon sila ni William. Ang malanding yun. Humanda siya sakin kapag makita ko siya.


Pero masaya ako sa nalaman ko. Ang problema ko na lang ay si Basti. Baka masaktan siya kapag malaman niyang okay na kami ni William. Dapat kailangan niyang tanggapin na wala akong nararamdamang pagmamahal sa kanya. Hanggang kaibigan lang ang turing ko kay Basti.


"Saan ka nanggaling?"


Pagpasok ko pa lang ay natigilan ako sa tanong sakin ni Basti. Parang galit siya.


"Ah—ano. Sa Dyosa's Cafe lang Basti. Nagkape lang ako." sagot ko sa kanya. Hindi ko sinabi kay Basti na nagkita kami ni William. I need timing para sabihin ko sa kanya ang tungkol samin ni William.


"Yun lang ba ang ginawa mo?" muling tanong sakin ni Basti. He's mad.


"O-oo naman." kinakabahan kong sagot sa kanya.


"Mabuti naman. Kumain na tayo." sabi sakin ni Basti. Nakahinga naman ako nang maluwag. Buti naman at nawala ang galit niya.


KISSES' POV

"Sige Tim. Pasok na ako. Salamat sa pa-fishball date mo." sabi ko kay Tim.


"It's a pleasure to date you Kisses." tugon sakin ni Tim at umalis na siya. 


Nang makaalis na si Tim ay pumasok na ako sa loob.


"Andyan ka na pala anak. May bisita ka sa loob at kanina pa siya naghihintay sa'yo." salubong sakin ni Dad nang makapasok ako sa loob ng bahay. Kumunot naman ang noo ko. Sino kaya 'tong bisita ko? Gabi na hah.


Nang makarating ako sa living room ay halos muntikan na akong matapilok sa nakita ko.


What is he doing here?


"Hi Kisses." he greeted me with a smile.


"J-jameson? A-anong ginagawa mo rito?" nauutal kong tanong sa kanya.


"Para sa'yo."


Hindi niya sinagot ang tanong ko at binigyan niya ako ng isang stem ng red rose.


Alanganin ko naman itong tinanggap. Why is he acting like this?


"Why are you here?" tanong ko ulit sa kanya.


"Let's date." sagot niya sakin na ikinanganga ko. Tama ba ang narinig ko? He's asking me on a date? Bakit nananaginip lang ako.


*sampal sa sarili*


I'm not really dreaming.

**********

My Prince Is Masungit (Book 3): Life After Marriage With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon