(6) #MPIS3Moises

1K 75 0
                                    

DAVE'S POV

"Grabe bro, ang ganda talaga niya. At may mabuting puso pa siya. I think I'm in love." narinig kong sabi ni Tim.


"Oo nga, at type ko naman ang babaeng kasama niya kanina. Para siyang isang manika na sobrang ganda. I'm in love too." narinig ko namang sabi ni Mitchell. Mukhang tinamaan na nga silang dalawa sa dalawang babaeng nakilala namin kanina.


Third year college na kami ngayon nina Tim at Mitchell dito sa Dela Cruz University. Well dapat graduate na kami two years ago kung hindi lang kami napasali sa K-to-12 program.


"Tim, ayun sila." - Mitchell to Tim


"Tara puntahan natin." - Tim to Mitchell


At iniwan na nga nila ako. Ang bastos talaga nila. Iniwan ba naman ako.


Pero masaya ako sa kanilang dalawa dahil alam kong nakita na nila ang babaeng magpapatibok sa puso nila. Kitang-kita ko sa mukha nila na sobrang in love sila sa dalawang babaeng nakilala namin. Na-love at first sight sila. Haaay! Buti pa sila, nahanap na nila ang lovelife nila. Ako kaya? Kailan ko kaya mahahanap ang lovelife ko?


"Bro."


May biglang lumapit sakin na isang lalake. Napatingin naman ako sa lalake.


*O0O*


Shet! Ang gwapo naman niya.


"Ah bro. Pipi ka ba?"


Natauhan naman ako nang magsalita ang lalake.


"Ah! Ano yun bro? May kailangan ka ba?" tanong ko sa lalake. Lalakeng-lalake ang boses ko sa mga oras na yun. Baka kasi ma-turn off siya sakin kapag malaman niyang vaklush aketch.


"Bago kasi ako rito. Gusto ko lang malaman kung nasaan ang room ng III-B." sagot sakin ng lalake. Kuminang naman ang mga mata ko nang marinig ko ito mula sa kanya. Feeling ko ay nahanap ko na ang destiny ko.


"Ah! Sakto at III-B din ako. Mag-classmates tayo bro." sabi ko sa lalake.


"Talaga? Ayos." masayang sabi ng lalake at inakbayan niya ako. Waaaaa! Feel na feel ko ang init ng braso niya. Parang nakukuryente ako sa kilig.


"By the way bro, Moises nga pala." pagpapakilala sakin ng lalake.


"Dave." pagpapakilala ko naman sa kanya. Nag-shakehands kaming dalawa. Whoo! Ang swerte ko naman.


"Since magkakilala na tayo. I-tour mo naman ako mamaya." sabi sakin ni Moises.


"Sige bro." tugon ko kay Moises.

**********

Up next, wedding na nina Danielle at William.

My Prince Is Masungit (Book 3): Life After Marriage With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon