(27) #MPIS3Blackmail

1K 78 0
                                    

DANIELLE'S POV

"Grabe, ang sarap mag-explore sa Korea kahit nakakapagod." sabi ko kay Basti nang maka-uwi na kami. Ginabi na rin kami ni Basti sa pag-uwi. Masyado kaming nag-enjoy sa pag-explore sa Korea. Tapos na-meet ko pa si Yoo Seung-ho. Ang aking celebrity crush. May pictures pa nga kami eh at i-u-upload ko 'to mamaya sa facebook as my profile picture.


Pero speaking of facebook, i-se-search ko mamaya ang profile ni William sa FB para may updates ako sa kanya. Tapos i-se-search ko rin ang facebook page ng aking restaurant sa Pilipinas para makita ang kalagayan d'on.


"My queen?" tawag sakin ni Basti. Napalingon naman ako sa kanya.


"Ano yun Basti?" tanong ko kay Basti.


"I love you." nakangiting sagot niya sakin. No reaction naman ako sa sagot niya. Hindi talaga ako kinikilig kay Basti.


"CR muna ako Basti. Natatae na kasi ako." sabi ko kay Basti at dali-dali akong pumunta sa banyo. Natatae na talaga ako. Naparami yata ang kain ko ng Korean Foods.


KISSES' POV

Papunta ako ngayon sa studio ng Dyosa's Magazine. Meron akong photoshoot ngayon with a male model. Hindi ko pa na-mi-meet yung guy na makakasama ko sa photoshoot but I'm sure na hindi ito celebrity.


Nang makarating ako sa studio ng Dyosa's Magazine...


"Kisses Alonte!" sigaw na tawag sakin ng baklang make up artist. Ngumiti ako at binati ang lahat ng staffs. To be honest, this is my first time to do a photoshoot na ganito ang theme. Malayo sa aking personality. Basta malalaman niyo kung ano ito.


"Sit here Miss Kisses. Aayusan ka namin para kapag dumating si Mr. Ramirez ay magsisimula na agad tayo." sabi sakin ng baklang make up artist.


"Okay." tugon ko. Umupo ako sa harap ng salamin at hinayaan ko silang ayusan ako.


Pagkatapos nila akong ayusan ay saktong dumating ang male model na partner ko sa photoshoot. He's handsome.


"Hi I'm Tim." bati sakin ng partner ko nang makalapit siya sakin.


"Kisses." simpleng pagpapakilala ko sa sarili ko.


"I already know you. Maganda ka pala sa personal." nakangiting sabi sakin ni Tim. Nambola pa siya. Pero I like him na. Like lang hah. Iba ang like sa love. Alam niyo naman kung sino ang tinitibok ng puso ko.


"We will start in few minutes." sabi ng isang babaeng staff. May nag-abot sakin ng two-piece red swimsuit with Santa hat which is susuotin ko para sa pictorial. Yes, ito ang tinutukoy kong first time. Ang sumabak sa isang magazine photoshoot na naka-swimsuit lang.


Nakita ko namang naghubad ng damit si Tim at nagsuot siya ng Santa hat. He's definitely hot. Just like Jameson. Haaay! Naiisip ko na naman siya.


Nang nakabihis na ako ay nagsimula na ang photoshoot. Solo muna at si Tim ang nauna. Habang hindi ko pa turn ay nag-facebook muna ako. 


Pero nagsisi akong buksan ang facebook account ko dahil sa nakita kong post.



Dyosa shared a link

Elisa Vermunte and Jameson Faulkerson are now officially couple

wattpad.com

12,489 reactions • 1,006 comments • 4,278 shares



Tinutusok na naman nang paulit-ulit ang puso ko.


"Kisses, you're turn."


Bumalik naman ako sa huwisyo nang magsalita ang photographer. Pinatay ko cellphone ko at pumunta sa harap ng photographer para kunan ako ng litrato.


JAMESON'S POV

Naibato ko sa pader ang cellphone ko dahil sa nakita kong post sa facebook.


"Hey baby, are you okay?" nag-aalala ngunit malanding tanong sakin ni Elisa. Tinignan ko naman siya ng masama.


"Bakit mo yun sinabi sa media?" seryosong tanong ko sa kanya.


"Ang alin baby?" - Elisa


Nagtaka pa talaga siya.


"Sinabi mo sa media na sinagot mo na raw ako and we're officially couple kahit hindi naman yun totoo." sagot ko sa kanya.


"Ah yun ba baby? Syempre sinabi ko yun sa media para mas lumakas pa ang ating tandem at mas dumami pa ang ating mga fans. Kaya whether you like it or not, we're officially couple now." sabi sakin ni Elisa. Mas lalong dumilim ang aura ko dahil sa sinabi niya.


"Bakit kailangan pang humantong sa ganito Elisa? You need to stop this. Tell them the truth na wala tayong relasyon." seryosong sabi ko kay Elisa.


"Okay, I will tell them na wala na tayong relasyon because you broke up with me at si Kisses ang dahilan ng paghihiwalay natin. Baka mas lalo pang dumami ang bashers ng pinakamamahal mong Kiti-kiti—este Kisses. Kawawa naman siya kung kuyugin siya ng napakaraming bashers niya." sabi sakin ni Elisa at umarte pa siyang malungkot. D@mn! She's really a blackmailer. Simula nang sumikat ang loveteam namin ni Elisa ay lagi na lang niya ako binablackmail. Kaya nga hindi ako makalapit kay Kisses dahil sa kanya. Dati pang may gusto sakin si Elisa kaya ginagawa niya ito sakin. As if namang magugustuhan ko rin siya. Walang-wala siya kay Kisses ko.


"Don't say that to them." sabi ko kay Elisa at halos muntikan na akong magmakaawa sa kanya.


"Then be my boyfriend." sabi sakin ni Elisa.


I took a deep breath.


"Fine." tugon ko na lang kahit labag ito sa kalooban ko. I have no choice. Kailangan kong sundin siya bago pa niya sirain ang image ng babaeng mahal ko.

**********

My Prince Is Masungit (Book 3): Life After Marriage With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon