DANIELLE'S POV
Hindi ako mapakali dito sa kwarto. Kanina pa ako naglalakad ng pabalik-balik at pinipilit kong tandaan kung paano ako napunta rito sa Korea. Pero walang pumapasok sa isip ko.
At iniisip ko rin kung paano ko minahal si Basti. Bakit ko mas minahal si Basti kaysa kay William? Ang gulo-gulo.
Speaking of William, kumusta na kaya siya? Dalawang taon din ang nakalipas nang hindi ko siya nakita. Totoo ang sinabi ni Basti na dalawang taon na talaga ang lumipas.
May bagong girlfriend na kaya siya o asawa?
Sana wala pa.
Teka, paano kami nag-divorce ni William?
WILLIAM'S POV
"Daddy! Where's mommy? Where's my mommy?" tanong sakin ni Will. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong ni Will. Baka masaktan lamang siya kapag sinabi ko sa kanya ang totoo.
"Mommy is on her work. She's busy." sagot ko kay Will.
"I want to see mommy." naiiyak na sabi sakin ni Will. He really missed his Mom. I miss her too.
"Don't worry baby. If mommy has free time, we will have a family bonding." masayang tugon ko kay Will.
"Promise Dad?" - Will
"Promise."
I promise na ibabalik ko siya sa pamilya natin Will.
DANIELLE'S POV
"Wow! Snow." manghang sabi ko nang lumabas kami ni Basti ng bahay. Umuulan kasi ng snow. First time kong makaranas nito. Feel na feel ko na talaga ang Christmas dito sa Korea.
"Tara my queen, kumain tayo sa isa sa mga sikat na restaurant dito." sabi sakin ni Basti. Alanganing tumango naman ako. Naiilang pa kasi ako kay Basti lalo na't kapag tinatawag niya akong my queen.
Nang makarating kami sa isang korean restaurant. Gosh! Nakakatakam naman ang mga pagkain dito. Marami kaming inorder at sagot ni Basti ang lahat ng ito. Nga pala, mayaman pala 'tong si Basti. Nagtaka nga ako kung bakit siya nag-secretary dati sa kumpanya namin nina William. Wala naman siyang binigay sakin na sagot tungkol d'on.
"Ito ang chopsticks." sabi sakin ni Basti sabay abot sakin ang dalawang stick.
Una kong tinikman ay ang Korean Beef Steak. Noong una ay nahihirapan talaga akong gumamit ng chopsticks. Dati ay nakagamit na ako ng chopsticks sa Pilipinas pero matagal na panahon na yun.
"Ang sarap." sabi ko sabay tikim ulit ng Korean Beef Steak. Ang sarap talaga, promise. Kung kasama ko lang si William, I'm sure magugustuhan niya 'to.
"Try mo rin 'tong Stir-fried Rice Cakes nila." sabi sakin ni Basti. Waaaaa! Mukhang katakam-takam din 'to lalo na't may lobster itong halo. Pero parang nanghihinayang akong kainin ito dahil sa ganda ng pagkadisenyo ng pagkaing ito. Bakit pa kasi nila ito hinanda ng ganito? Pwede naman nila itong ihanda in a normal way.
Tinikman ko ang inalok na pagkain sakin ni Basti.
"Masarap ba?" tanong niya sakin.
"Sobrang sarap." tugon ko sa kanya na ikinangiti niya.
"Buti at nagustuhan mo." nakangiting sabi niya sakin. Nginitian ko rin siya. Ewan ko pero wala naman akong nararamdamang kilig kay Basti. Hindi ko nga alam kung bakit eh.
**********
BINABASA MO ANG
My Prince Is Masungit (Book 3): Life After Marriage With My Prince Sungit
RomanceMAIN CHARACTERS: William Crawford (Prince Sungit) Princess Danielle Maddren 📌 SUPPORTING CHARACTERS: Fred Dela Cruz Rissey Navarro Elena Buenavista Jameshin Faulkerson Kisses Alonte Jameson Faulkerson Lauren Gomez Ezekiel Willfo...