(14) #MPIS3HelloPhilippines

1K 80 0
                                    

KISSES' POV

"Congratulations everyone especially Jameson and Elisa, we successfully finished our teleserye with highest rating of all Filipino drama." masayang sabi ni Direk na ikinatuwa nilang lahat maliban sa'kin.


"Thank you Direk for this oppurtunity na maging cast ng teleserye namin ni Jameson—I mean nating lahat. Dahil po sa inyo ay gumanda lalo ang buhay ko, buhay nating lahat." sabi ni Elisa na nagpapakulo talaga ng dugo ko. Napakaplastik talaga niya.


"No, thank you sa inyo ni Jameson. Kayo ang dahilan kung bakit namamayagpag sa ratings ang teleserye natin." tugon ni Direk kay Elisa.


"Dahil successful ang ating teleserye ay magkakaroon tayo ng victory party." sabi samin ng Producer na mas lalo pa nilang ikinatuwa.


DANIELLE'S POV

Palapag na ngayon ang sinasakyan naming eroplano sa NAIA Terminal. Sobrang excited na kaming makabalik ni William sa Pilipinas. Na-mi-miss ko na sina Mama, Dad, si Kisses, si Will, ang parents ni William na parents ko na rin, at ang mga kaibigan namin ni William.


Nang maglanding na ang eroplano ay bumaba na kami dala ang aming mga maleta.


"Waaaa! Bes, William!" masayang sabi ni Rissey at sinalubong niya ako ng yakap. Lumapit din sila samin.


"Mommy, Daddy, I miss you so much." masayang sabi samin ni Will.


"Na-miss ka rin namin baby boy." tugon ko kay Will.


"Hindi na po ako baby, Mommy. I'm a big boy now." sabi sakin ni Will.


"Oo na, big boy ka na." nakangiting tugon ko sa kanya.

**********

**********

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Prince Is Masungit (Book 3): Life After Marriage With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon