(23) #MPIS3AdobongItlog

1K 79 0
                                    

NIKKI'S POV

"Arrrggghhhh!" sigaw ko sabay bato sa pader ang basong may alak na iniinom ko.


"Chill ka lang Moore. Mas lalo kang papanget kung lagi kang ganyan." sabi sakin ni Basti na mas lalo ko pang ikinainis.


"Chill? Sa tingin mo makakapag-chill pa ako sa sitwasyon ko ngayon Santos? Nabuking na ako ng asawa ni Rey na ako ang kabit ng asawa niyang panot. Dahil d'on ay hindi ko makukuha ang mga ari-arian ng matandang panot na yun dahil mas pinili niya ang asawa niya kaysa sakin. Tapos mawawalan pa ako ng access sa kumpanya ni William dahil ang matandang panot lang ang tanging paraan upang makapasok ako d'on. Plus nasira pa ang image ko kay William. Iisipin niyang malandi at mukha akong pera." mahabang paliwanag ko kay Basti.


"Wag kang mag-alala Moore. Ngayong araw na 'to ay gagawin na natin ang plano ko. Sisiguraduhin nating magiging akin si Danielle at mapapasa'yo si William." sabi sakin ni Basti.


"Dapat lang maging akin si William lalo na't mauubusan na ako ng pera na binigay sakin ni Rey. Si William na lang ang magiging susi ko upang yumaman ako." tugon ko kay Basti.


DANIELLE'S POV

"Anong nangyari kanina hub?" tanong ko kay William nang makarating kami sa office niya. Nagkaroon kasi ng gulo kani-kanina lang sa ground floor. Hindi ko alam kung bakit.


"Dumating ang asawa ng isa sa mga investor namin. Nalaman kong may affair ang investor namin at si Nikki kaya nagkaroon ng gulo. Nag-away kanina sina Nikki at ang asawa ng investor namin." sagot sakin ni William. Nang marinig ko ang pangalan ni Nikki ay hindi ko talaga mapigilang mainis sa kanya.


"Ang landi talaga ng Nikki na yan. May asawa na nga ang lalake pinapatulan pa niya. Buti nga sa kanya." inis kong bulong.


"Are you okay wife? Bakit inis na inis ka?" nag-aalalang tanong sakin ni William.


"Wag mo nang papasukin yang lintang yan sa kumpanya. Baka ikaw naman ang susunod niyang landiin." inis na sabi ko kay William.


"Hahahahaha! Posessive wife. Okay, I will lalo na't wala na siyang access sa kumpanya natin." tugon sakin ni William na ikinangiti ko.


"By the way hub, ito na pala ang lunch mo." sabi ko kay William sabay lagay sa mesa ang ginawa kong Adobong Itlog para sa kanya.


"Sorry wife pero kumain na ako." sabi sakin ni William na ikinalungkot ko. Mukhang na-late na nga ako.


"Pero kakainin ko pa rin 'to kahit busog na ako. Ito lagi ang inaabangan ko tuwing tanghali." sabi sakin ni William at excited niyang binuksan ang lunchbox.

**********

**********

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Prince Is Masungit (Book 3): Life After Marriage With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon