(17) #MPIS3LunchBox

1K 78 0
                                    

DANIELLE'S POV

Sabay kaming lumabas ni Nikki sa elevator.


"Good afternoon po Ma'am Nikki at Ma'am Danielle."


"Good afternoon din."


Ako yan. Si Nikki naman ay snob lang sa mga bumabati sa kanya.


"Good afternoon po Ma'am Danielle."


"Good afternoon din."


"Wow! Kilala ka pala ng mga empleyado rito." nakangiting sabi sakin ni Nikki.


"Yup, alam kasi nilang ako ang asawa ng CEO at Owner ng kumpanyang ito." tugon ko sa kanya. Nakita ko namang nawala ang ngiti niya.


"M-may mali ba akong nasabi?" tanong ko kay Nikki.


"Ah! W-wala. Nagulat lang ako na asawa mo pala ang CEO at Owner ng kumpanyang ito." sagot sakin ni Nikki at nauna na siyang naglakad sakin. Siguro pupuntahan na niya ang fiancé niya.


Mga 20 na hakbang pa ang ginawa ko upang makarating sa tapat ng opisina ng asawa ko.


*tok tok tok*


"Come in." narinig kong sabi ni William. Binuksan ko naman ang pintuan ng opisina ng asawa ko.


And to my surprise...


Nand'on si Nikki.


At nakita ko si William na may hawak na lunchbox. Alam kong kay Nikki yang lunchbox na hawak ng asawa ko. Teka, akala ko ba sa fiancé niya ito ibibigay. Pero bakit na kay William ang lunchbox na dala niya?


"Wife? What are you doing here?" gulat na tanong sakin ni William. Mukhang hindi niya inaasahang pupunta ako rito. Sa bagay, hindi ko naman sinabi sa kanya.


"Ah hub. Pinagluto kasi kita ng lunch. Pero mukhang may lunch ka na kaya..."


Hindi natuloy ang pagsasalita ko nang magsalita si William.


"Give me that lunchbox." sabi sakin ni William at sinenyasan niya akong ibigay ko sa kanya ang dala kong lunchbox.


"P-pero, paano naman yang niluto ko?" tanong ni Nikki kay William sabay nguso sa lunchbox na hawak ng asawa ko.


"Kung gusto mo, kainin mo. Kung ayaw mo, pamigay mo na lang sa iba." sabi ni William sabay bigay ang hawak niyang lunchbox kay Nikki. Kinuha naman ito ni Nikki sabay walkout. Pero bago umalis si Nikki ay binigyan muna niya ako ng death glare. Hala! Napano yun?

**********

**********

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Prince Is Masungit (Book 3): Life After Marriage With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon