(34) #MPIS3Hospital

1K 77 0
                                    

DANIELLE'S POV

Three days passed pero nandito pa rin kami ni Basti sa hotel nag-ste-stay. 


Sa loob ng tatlong araw na yun ay parang bilanggo ako rito. Mahigpit na pinagbawalan ako ni Basti na lumabas although hindi naman niya kinakandado ang room namin dito sa hotel, pero sumunod ako sa kanya. 


At kinuha pa niya ang cellphone ko na tanging libangan ko lang. O see, parang nasa kulungan talaga ako.


Pero since nasa kumpanya nila ngayon si Basti para maresolba ang problema niya d'on ay tatakas ako rito upang mabisita ko ang aking pamilya. Na-mi-miss ko na sila lalo na si Mama.


Pagkalabas ko ng hotel ay naghintay ako ng masasakyan.


Pero ilang minuto ang nakalipas ay puro may sakay na ang dumadaang mga sasakyan. Hay! Ano ba yan. Mukhang matatagalan yata ako sa kahihintay ng masasakyan. Sana matagalan pa d'on si Basti gaya ko. Hehehe!


Habang naghihintay ako ng masasakyan...


"ARAY!!!"


Napahiyaw ako bigla sa sakit dahil parang tinusok ang kaliwang balikat ko.


Teka, parang dumidilim ang paningin ko.


ALL WENT BLANK.


WILLIAM'S POV

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa hospital para dalawin siya. May dala akong pagkain para kay Mama na halos araw-araw nang nagbabantay sa kanya sa hospital.


Pagkarating ko sa hospital ay pumunta ako sa kwarto niya rito.


Nang makarating ako sa kwarto niya ay binuksan ko ang pintuan. At nakita ko si Mama na kakagising pa lang.


"Ikaw pala iho. Pasok ka." sabi sakin ni Mama. Pumasok naman ako sa loob at inilagay ko sa mesa ang pagkain.


"Kumain muna po kayo Mama. Ako na muna ang magbabantay sa kanya." sabi ko kay Mama.


"Sige, salamat William." tugon sakin ni Mama at hinanda na niya ang pagkain. Napatingin naman ako sa pasyenteng nakahiga sa kama. God! I really miss her.


Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ko ito.


"Gumising ka na. Miss na miss na kita." sabi ko sa kanya. Sana naririnig niya ang mga sinasabi ko sa kanya.

**********

Sino kaya ang dinalaw ni William sa hospital? Abangan ang kasagutan.

Konti na lang matatapos na.

My Prince Is Masungit (Book 3): Life After Marriage With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon